Search a Movie

Saturday, August 2, 2025

The House with a Clock in Its Walls (2018)

5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Jack Black, Cate Blanchett, Owen Vaccaro
Genre: Comedy, Family, Fantasy, Mystery
Runtime: 1 hour, 45 minutes

Director: Eli Roth
Writer: Eric Kripke, John Bellairs (novel)
Production: Amblin Entertainment, Reliance Entertainment, Mythology Entertainment
Country: USA


Matapos mawalan ng mga magulang, lumipat si Lewis Barnavelt (Owen Vaccaro) upang manirahan sa kanyang tiyo na si Jonathan Barnavelt (Jack Black). Sa panibagong tahanang ito, unti-unti niyang matutuklasan na ang bahay na ito ay hindi pangkaraniwan dahil puno ito ng kababalaghan at mahika. 'Di naglaon, mapag-aalaman ni Lewis na ang kaniyang tiyo ay isa palang warlock at sa loob ng kanilang lumang bahay, nakatago ang isang mahiwagang orasan na may masalimuot na lihim. Habang sinusubukan nilang tuklasin ang misteryong ito, mas lalong lalalim din ang koneksyon ni Lewis sa mundo ng mahika at sa panganib na kalakip nito.

Sa unang tingin, promising ang The House with a Clock in Its Walls. Maayos ang set design, makulay ang costume at kita ang effort nila sa pagbuo nila ng isang magical world. Dagdag pa ang masayang at magandang chemistry nina Black at Cate Blanchett na tunay na nagdala ng buhay sa unang bahagi ng pelikula.

Pero habang tumatagal, unti-unting nawawala ang magic ng palabas. Pagsapit ng second half, parang naging minadaling draft ng script ang pinapanood ko. parang pilit na binuo ang conflict sa pamamagitan ng mga desisyong hindi kapani-paniwala. Halimbawa na lamang ay ang pagtatago ng isang mapanganib na aklat sa isang lugar na madaling ma-access at ang susi nito ay nakalagay lamang sa isang obvious na taguan.

Bukod dito, kapansin-pansin din ang pagbagsak ng kalidad ng special effects. Sa una’y kaaya-aya at kaakit-akit pa ang visual presentation nito, ngunit habang tumatagal, tila kinapos na sa budget o nagmadali na sa production kaya pumangit na ang mga tagpo. Isa na sa mga pinaka-nakakadismayang CGI dito ay ang eksena ng baby na sa halip na maging nakakatawa o nakakagulat ay naging kabalbalan.

Nakakadismaya rin ang pagganap ng batang si Lewis. Wala siyang ibang ginawa kundi sumigaw. Kulang sa lalim ang kaniyang pag-arte lalo na sa mga eksenang nangangailangan ng emosyon o internal conflict. Sa halip na maramdaman ang kaniyang takot o pangamba, napalitan ito ng inis at pagkasuya sa paulit-ulit niyang reaksyon.

Sa huli, naging predictable ang takbo ng istorya. Nawalan ito ng element of surprise at ang mga slapstick na humor na sana’y pampagaan ng tensyon ay naging corny at out of place. Sa halip na mapasaya, mapapailing ka na lang.


© Amblin Entertainment, Reliance Entertainment, Mythology Entertainment

No comments:

Post a Comment