Search a Movie

Wednesday, December 7, 2016

The Secret Life of Pets (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© Illumination Entertainment
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Louis C.K., Eric Stonestreet, Kevin Hart, Jenny Slate
Genre: Animation, Adventure, Comedy, Family
Runtime: 1 hour, 27 minutes

Director: Chris Renaud, Yarrow Cheney
Writer: Brian Lynch, Cinco Paul, Ken Daurio
Production: Universal Pictures, Illumination Entertainment
Country: USA


Perpekto nang maituturing ang buhay ng asong si Max (Louis C.K.) kasama ang mapagmahal na amo nitong si Katie (Ellie Kemper). Ngunit nang isang araw umuwi si Katie na may kasamang bagong aso, si Duke (Eric Stonestreet) na mas malaki kumpara kay Max, ay biglang nagkaroon ng kahati si Max sa kaniyang tahimik na buhay.

Dahil sa hindi magandang pagsasama ng dalawang aso ay sinubukang iligaw ni Duke si Max. Napunta sila sa teritoryo ng mga magnanakaw na pusa dahilan upang mawala ang dog tag ng dalawa at mahuli ng animal control. Sa pagkawala nila Duke at Max ay to the rescue naman ang kaibigan nilang si Gidget (Jenny Slate) at ang ilan pa nitong katulad na alagang hayop. Ito na rin ang pagkakataon niya upang patunayan ang kaniyang pag-ibig kay Max.

Ang The Secret Life of Pets ay tila pinagsamang kuwento ng Toy Story 1 at 2. Ang kaibahan nga lang ay sa halip na laruan ang mga bida ay hayop ang mga karakter. Sa kuwento ay mawawalay ang bida at ililigtas ito ng mga kaibigan niya, bukod doon ay may kasama siyang bagong salta na makaka-iringan niya. Pamilyar hindi ba?

Ngunit hindi tulad ni Woody at Buzz, walang chemistry sa pagitan nila Duke at Max. Boring ang pagkakasulat sa kanilang mga karakter. Kumbaga ay ilang beses na nating nakita ang ganitong set-up na pagsasama ng mga bida at wala nang bagong naipakita ang mga writers nito. Wala ka ring mapipiga sa mga one-dimensional na supporting characters na binigyan pa ng napaka-corny ng script. 

Ang animation nito na siya sanang saving grace ng pelikula ay hindi rin kagandahan. Minsan ay weird pagmasdan ang mga karakter at hindi ko mawari kung bakit. To be fair, may pagkakaiba naman ang The Secret Life of Pets sa pelikula kung saan ko ito ikinumpara dahil dito ay ang bidang babae ang bayani. Siya ang nagligtas sa gulong sinimulan nila Max at Duke. Gayunpaman, wala paring dating ang predictable nitong kuwento at hindi nito naibigay ang expectation ko na nabuo nang mapanood ko ang trailer nito.


No comments:

Post a Comment