Search a Movie

Friday, July 24, 2015

P.S. I Love You (2007)

7 out of 10 stars
★★★★★★★☆☆☆

Starring: Hilary Swank, Gerard Butler
Genre: Drama, Romance
Runtime: 126 minutes

Director: Richard LaGravenese
Writer: Richard LaGravenese, Steven Rogers, Cecelia Ahern (novel)
Production: Alcon Entertainment, Grosvenor Park Productions, Wendy 
Finerman Productions

Isang kuwentong tatalakay sa mapait na realidad ng buhay, kuwento na makaka-relate ang lahat pagdating sa biglaang paglisan ng minamahal. Ang kaibahan nga lang ay binigyan ito ng kaunting twist upang maging iba sa mga normal na istorya.

Hindi man ganoon karangya ang kanilang buhay bilang mag-asawa ay masaya naman sina Holly (Hilary Swank) at Gerry Kennedy (Gerard Butler) sa piling ng isa't-isa at kahit may mga pagkakataong hindi sila magkasundo sa isang bagay ay agad din naman itong naaayos dahil sa pagbibigayan ng dalawa. Hanggang sa dumating ang araw na bawian ng buhay si Gerry dahil sa brain tumor. Hindi maganda ang pagtanggap ni Holly sa biglaang pagkawala ng asawa kaya unti-unti nitong isinara ang kaniyang mundo sa ibang tao at napalayo sa mga kaibigan at kapamilya.

Sunday, July 12, 2015

What If (2013)

6 out of 10 stars
★★★★★★☆☆☆☆

Starring: Daniel Radcliffe, Zoe Kazan
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 98 minutes

Director: Michael Dowse
Writer: Elan Mastai, T.J. Dawe (play), Michael Rinaldi (play)
Production: No Trace Camping, Caramel Films, Fastnet Films
Country: Ireland, Canada

The F Word o mas kilala worldwide bilang What If, ang pelikula kung saan muling matatalakay ang katanungan na: "Can men and women be just friends?".

Si Wallace (Daniel Radcliffe) na piniling maging anti-social ng isang taon matapos magdrop-out sa medical school dahil sa bigong pag-ibig ay isang araw nakilala si Chantry (Zoe Kazan), ang pinsan ng matalik niyang kaibigang si Allan (Adam Driver) sa isang party. Nagkaroon ng instant connection ang dalawa at agad nagkamabutihan bilang magkaibigan. Sa pagtagal ng panahon, mas naging malapit pa ang dalawa sa isa't-isa hanggang sa unti-unting nahulog ang loob ni Wallace sa kaibigan sa kabila ng pagkakaroon ni Chantry ng long-time boyfriend. 

Saturday, July 11, 2015

Jaws (1975)

7 out of 10 stars
★★★★★★★☆☆☆

Starring: Roy Scheider, Robert Shaw, Richard Dreyfuss
Genre: Adventure, Drama, Thriller
Runtime: 124 minutes

Director: Steven Spielberg
Writer: Peter Benchley (screenplay & novel), Carl Gottlieb
Production: Zanuck/Brown Productions, Universal Pictures
Country: USA

Ang dagat ang pangunahing negosyo ng isla ng Amity, ito ang dinarayo ng mga turista tuwing tag-init ngunit nang matuklasan ng chief of police na si Martin Brody (Roy Scheider) ang aksidente ng dalagang inatake ng pating ay handa na nitong ipasara ang baybayin. Sa takot na baka masira ang reputasyon ng kanilang isla lalo na't paparating na ang summer season ay pinalabas ni Mayor Larry Vaughn na boating accident ang ikinamatay ng dalaga.

Sa paniniwalang hindi nga pating ang dahilan ng aksidente ay ikinansela ni Chief Brody ang pagpapasara sa dagat. Nagpatuloy ang publiko sa pagbisita rito hanggang sa matunghayan nila mismo ang muling pag-atake ng halimaw na nakatira sa tubig, sa pagkakataong ito ay isang batang lalaki ang nabiktima ng pating. 

Thursday, July 9, 2015

Pitch Perfect 2 (2015)

6 out of 10 stars
★★★★★★☆☆☆☆

Starring: Anna Kendrick, Rebel Wilson, Hailee Steinfeld
Genre: Comedy, Music
Runtime: 115 minutes

Director: Elizabeth Banks
Writer: Kay Cannon, Mickey Rapkin (novel)
Production: Brownstone Productions, Gold Circle Films, Universal Pictures
Country: USA

Matapos ang magulo ngunit masayang pagkamit ng kampeonato para sa national competion sa Pitch Perfect (2012) ay muling nagbabalik ang Barden Bellas para sa isang sequel. At dahil inabot ng tatlong taon bago nagkaroon ng pangalawang installment ay tatalon din ang Pitch Perfect 2 ng tatlong taon sa kuwento nito. Sa pagkakataong ito ay seniors na ang ating mga bida at in demand na ang kanilang grupo bilang a capella performers. 

Sa kasamaang palad, ang lahat ng kasikatan nilang ito ay biglang natapos nang hindi sinasadyang magkalat ang kanilang grupo sa birthday party ni President Barack Obama. Dahil sa kahihiyang ito ay nasuspinde ang kanilang grupo at hindi na nila maaring ipagpatuloy pa ang kanilang tour, bukod doon ay pinagbawalan na rin silang tumanggap pa ng panibagong miyembro ng kanilang grupo.

Tuesday, July 7, 2015

The Blind Side (2009)

7 out of 10 stars
★★★★★★★☆☆☆

Starring: Sandra Bullock, Quinton Aaron
Genre: Biography, Drama, Sports
Runtime: 129 minutes

Director: John Lee Hancock
Writer: John Lee Hancock, Michael Lewis (novel)
Production: Alcon Entertainment, Left Tackle Pictures, Zucker/Netter Productions
Country: USA

Sino ang mag-aakalang ang All American football player na si Michael Oher ay mayroon palang rags to riches na kuwento? Ang The Blind Side ay iikot sa naging buhay ni Michael Oher bago siya sumikat at makilala sa larangan ng football. Isang batang walang sariling tirahan at nakikitulog lang sa bahay ng kaniyang kaibigan, ito ang naging buhay ni Michael (Quinton Aaron) noong siya'y binata pa lang. Sa tulong ng ama ng kaniyang kaibigan ay sinubukan silang ipasok sa isang Christian school, dahil sa magandang pangangatawan na nababagay sa isports ay kinuha siya ni Coach Burt Cotton (Ray McKinnon) sa kabila ng pagkakaroon ng mabababang grado.

Sa kaniyang bagong paaralan, nakilala ni Michael si Sean "SJ" Tuohy, Jr. (Jae Head) na hindi nagtagal ay naging kaibigan nito. Nang malaman ng ina ni SJ, Leigh Anne Tuohy (Sandra Bullock) ang estado ni Michael ay pinatira niya ang binata sa kanilang tahanan hanggang sa pagtagal ay unti-unti na siyang naging miyembro ng kanilang pamilya. Agad nagbago ang mahirap na buhay ni Michael at sari-saring oportunidad ang biglang dumating sa kaniya. Sa tulong ni Leigh Anne ay nagseryoso si Michael sa paglalaro ng football hanggang sa nasanay at lumabas ang tunay na talento sa paglalaro nito.

Monday, July 6, 2015

Kingsman: The Secret Service (2014)

8 out of 10 stars
★★★★★★★★☆☆

Starring: Taron Egerton, Colin Firth, Samuel L. Jackson
Genre: Action, Adventure, Comedy
Runtime: 129 minutes

Director: Matthew Vaughn
Writer: Jane Goldman, Matthew Vaughn, Mark Millar (comics), Dave Gibbons (comics)
Production: 20th Century Fox, Marv Films, Cloudy Productions, 
TSG Entertainment
Country: UK

Nang mamatay ang ama sa isang secret mission sa Middle East ay nagsimulang mabago ang magandang buhay ng batang si Gary "Eggsy" Unwin (Taron Egerton). Matapos ang labing-pitong taon ay isa na siya ngayong binata na hindi nakapagtapos, walang trabaho at nakatira kasama ang ina sa bahay ng kaniyang mapang-abusong stepfather. Nang minsang mahuli ng pulis at mangailangan ng tulong ay tinawagan ni Eggsy ang isang numero na naka-ukit sa medalyang ibinigay sa kaniya noong bata pa ni Harry Hart (Colin Firth), ang dating kasamahan ng kaniyang ama sa trabaho.

Pagkatanggap ng tawag ay agad tinulungan ni Hart si Eggsy. Sa muling pagkikita ng dalawa ay ipinaalam na ni Hart kay Eggsy ang tungkol sa Kingsman, isang sikretong organisasyon kung saan siya kasalukuyang nagtatrabaho at dati ng kaniyang pumanaw na ama. Sa hindi inaasahang pagkamatay ng isa sa kanilang agent na si Lancelot ay nangangailangan ngayon ang Kingsman ng papalit sa iniwan nitong puwesto. Sa nakitang kakayahan ni Eggsy, sinubukan siyang kumbinsihin ni Hart na mag-apply at kumatawan bilang kandidato niya sa darating na pagpili sa bagong agent na papalit sa puwesto ni Lancelot.

Wednesday, July 1, 2015

High School Musical 2 (2007)

5 out of 10 stars
★★★★★☆☆☆☆☆

Starring: Zac Efron, Vanessa Hudgens, Ashley Tisdale
Genre: Comedy, Romance, Family, Musical
Runtime: 104 minutes

Director: Kenny Ortega
Writer: Peter Barsocchini
Production: Disney Channel, Salty Pictures, First Street Films
Country: USA

Matapos ang tagumpay ng High School Musical (2006) ay muling nagbabalik ang Wildcats para sa isang sequel. Sa pagkakataong ito ay iikot ang kuwento sa summer vacation ng mga bidang sina Troy Bolton (Zac Efron), Gabriella Montez (Vanessa Hudgens), Sharpay Evans (Ashley Tisdale) at ng iba pang Wildcats. 

Dahil bakasyon ay naisipan ni Troy na maghanap ng trabaho upang makapag-ipon para sa kolehiyo. Sa tulong ni Sharpay na kasalukuyang nagpapalipas ng summer sa country club na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay ipinasok nito si Troy sa trabaho. Nang matanggap ay sinubukang kausapin ni Troy ang manager ng club upang ipasok rin ang mga kaibigan niya sa trabaho na napagbigyan naman. Ang hindi nila alam, may ibang plano si Sharpay kung bakit nito ipinasok si Troy sa kanilang club.

High School Musical (2006)

6 out of 10 stars
★★★★★★☆☆☆☆

Starring: Zac Efron, Vanessa Hudgens
Genre: Comedy, Romance, Family, Musical
Runtime: 98 minutes

Director: Kenny Ortega
Writer: Peter Barsocchini
Production: Disney Channel, Salty Pictures, First Street Films
Country: USA

Si Troy Bolton (Zac Efron) ay basketball captain, si Gabriella Montez naman ay isang mahiyaing transfer student na mahusay sa mathematics at science. Unang nagkakilala ang dalawa sa isang New Year party kung saan nasubok ang galing nila sa pagkanta. Nang malamang pareho sila ng eskwelahang pinapasukan ay sinubukan nilang ituloy ang nasimulang pagkakaibigan sa pamamagitan ng pagtahak sa mundo kung saan sila parehong magkasundo... sa pag-awit.

Kahit na iba sa nakasanayang gawain ay nagsubok sumali sina Troy at Gabriella sa audition para sa isang winter musical ng kanilang eskwelahan. Masaya ang dalawa nang mabigyan sila ng pagkakataong bumalik para sa callback ngunit nang mabalitaan ito ng kani-kanilang kaibigan ay hindi sila nasiyahan sa balitang ito.