Genre: Comedy, Music
Runtime: 115 minutes
Director: Elizabeth Banks
Writer: Kay Cannon, Mickey Rapkin (novel)
Production: Brownstone Productions, Gold Circle Films, Universal Pictures
Country: USA
Matapos ang magulo ngunit masayang pagkamit ng kampeonato para sa national competion sa Pitch Perfect (2012) ay muling nagbabalik ang Barden Bellas para sa isang sequel. At dahil inabot ng tatlong taon bago nagkaroon ng pangalawang installment ay tatalon din ang Pitch Perfect 2 ng tatlong taon sa kuwento nito. Sa pagkakataong ito ay seniors na ang ating mga bida at in demand na ang kanilang grupo bilang a capella performers.
Sa kasamaang palad, ang lahat ng kasikatan nilang ito ay biglang natapos nang hindi sinasadyang magkalat ang kanilang grupo sa birthday party ni President Barack Obama. Dahil sa kahihiyang ito ay nasuspinde ang kanilang grupo at hindi na nila maaring ipagpatuloy pa ang kanilang tour, bukod doon ay pinagbawalan na rin silang tumanggap pa ng panibagong miyembro ng kanilang grupo.
Upang matanggal ang pagka-suspinde ng kanilang grupo ay nakipag-deal si Beca Mitchell (Anna Kendrick) sa kanilang pamunuan na kapag mapanalunan nila ang paparating na international a capella competition ay ibabalik nila sa dating estado ang Barden Bellas. Nang masang-ayunan ang naisip na deal ay kinakailangan nila ngayon ng matinding pagsisikap upang matalo ang isa sa pinakamagaling na a capella group sa mundo, ang Das Sound Machine.
Isa ito sa mga pinaka-aabangan kong palabas para sa 2015, nagustuhan ko ang unang parte nito kaya mataas ang ekspektasyon ko para dito. Ang unang napansin ko sa Pitch Perfect 2 ay halos parehas lang sila ng ginamit na formula sa nanunang palabas: may bagong bida na aabangan, Emily Junk (Hailee Steinfeld) na malaki ang maitutulong sa grupo, ang sunod-sunod na kabiguan ng Barden Bellas sa mga nauna nilang performances, may ibang pinagkaka-abalahan ang pinaka-bidang si Beca, at iba pa.
Wala sanang problema sa paggamit nila ng parehong formula kung nahigitan nila ang naunang palabas, ang problema ay hindi. Mas maraming kanta ang maririnig dito na mai-enjoy ng mga mahilig sa musika pero para sa akin, mas maganda ang mga ginamit na kanta sa Pitch Perfect kumpara dito sa pangalawa, mas masaya rin ang riff-off sa nauna kaysa dito na isa pa naman sa inaabangan ko.
Matapos ang pagkukumpara sa dalawang pelikula, madako tayo sa kuwento ng pelikula mismo. Dahil maganda na ang pagsasamahan nila Beca at Jesse Swanson (Skylar Astin) ay naging boring na ang karakter ni Beca, naging factor din dito ang pagkakaroon ng panibagong bida, Emily. Maganda sana kung nagdagdag pa sila ng ilang subplots maliban sa love story nila Fat Amy (Rebel Wilson) at Bumper Allen (Adam DeVine) at nila Emily at Benji Applebaum (Ben Platt). Ang ilan kasi sa mga secondary characters ay naging props na lang para sa pagpapatawa.
Sa kabuuan, hindi naman ako dismayado ngunit hindi lang talaga ito umabot sa kung ano ang inaasahan ko. Mahirap tawanan ang ilang jokes na karamihan ay patungkol sa lahi at hitsura, gayunman, masaya ako't napanood ko ulit ang makukulit na karakter ng Pitch Perfect na mayroon parin namang pasabog sa kanilang final performance kahit papaano. Hindi man nito napantayan ang nauna nitong palabas, matutuwa parin ako kung magkaroon sila ng pangatlong installment at kung maaari sana ay kasali parin ang Das Sound Machine dahil isa rin sila sa dahilan kung bakit naging astig ang pelikula.

No comments:
Post a Comment