Genre: Adventure, Drama, Thriller
Runtime: 124 minutes
Director: Steven Spielberg
Writer: Peter Benchley (screenplay & novel), Carl Gottlieb
Production: Zanuck/Brown Productions, Universal Pictures
Country: USA
Ang dagat ang pangunahing negosyo ng isla ng Amity, ito ang dinarayo ng mga turista tuwing tag-init ngunit nang matuklasan ng chief of police na si Martin Brody (Roy Scheider) ang aksidente ng dalagang inatake ng pating ay handa na nitong ipasara ang baybayin. Sa takot na baka masira ang reputasyon ng kanilang isla lalo na't paparating na ang summer season ay pinalabas ni Mayor Larry Vaughn na boating accident ang ikinamatay ng dalaga.
Sa paniniwalang hindi nga pating ang dahilan ng aksidente ay ikinansela ni Chief Brody ang pagpapasara sa dagat. Nagpatuloy ang publiko sa pagbisita rito hanggang sa matunghayan nila mismo ang muling pag-atake ng halimaw na nakatira sa tubig, sa pagkakataong ito ay isang batang lalaki ang nabiktima ng pating.
Sa galit ng ina ng bata ay nag-utos ito na kung sino man ang makakapatay at makakahuli sa pating na kumitil sa buhay ng kaniyang anak ay gagantimpalaan niya ito ng $3,000 na pabuya. At sa isang iglap, nagkaniya-kaniya ang mga mangingisda sa paghahanap sa nasabing pating. Isa sa mga mangingisda ang nakahuli ng tiger shark at dahil dito ay nawala pansamantala ang takot ng mga tao sa pating at pinaniwalaang ligtas na ang kanilang karagatan. Ngunit si Matt Hooper (Richard Dreyfuss) na isang consultant oceanographer ay nagdududa kung ang nahuli nilang tiger shark nga ba ang pating na pumapatay sa dagat. Kasama si Chief Brody ay ineksamin nila ang katawan ng nahuling tiger shark at napagtantong hindi nga ito ang salarin sa mga pagpatay.
Sa kabila ng babala nila Hooper at Chief Brody na maaaring ibang pating ang nahuli ng mga mangingisda ay hindi naniwala si Mayor Vaughn hangga't wala siyang nakikitang ebidensya kaya naman ipinagpatuloy parin nito ang pagbubukas ng kanilang isla para sa mga paparating na turista. Hindi nagtagal bago mapatunayan nila Chief Brody ang kanilang babala, nang isang lalaki ang muling inatake ng pating. Sa pagkakataong ito ay sina Chief Brody at Hooper na mismo ang naglayag sa karagatan kasama ang professional shark hunter na si Quint (Robert Shaw) upang hanapin at tuldukan ang paghahasik ng pating sa kanilang karagatan.
Nagsimula ang palabas ng walang paliguy-ligoy. Ipinakilala agad ni Spielberg ang kuwento sa pamamagital ng prologue na siya namang susundan at tatalakayin ng pangunahing istorya. Maganda ang pagkaka-kuwento sa buong pelikula at magbibigay talaga ito ng thrill na hanap ng manonood.
Ang maganda sa Jaws ay hindi nila kinakailangan ng paulit-ulit na jump scares para takutin o gulatin ang nanonood, sapat na ang isa o dalawa dahil hindi naman dito manggagaling ang takot na mararamdaman ng isang manonood kundi sa mismong kaalaman na may nilalang na maaaring umatake sa tubing anumang oras. Katulad na lang sa eksena kung saan nagsasaya ang mamamayan ng Amity Island sa paglangoy, alam nating may pating sa tubig at habang pinapanood natin silang lumalangoy, kasama ang intense na musical scoring, ay doon mabubuo ang takot na mararamdaman natin.
Ang nakakamangha rin kay Spielberg ay may ilang kuha siya sa pelikula na sa sobrang ganda ay maaari mong i-pause, print screen at gawing background. Simpleng mga shots pero masarap sa mata at maaaring magpa-alala sa'yo tungkol sa pinapanood mong pelikula.
Okay din para sa akin ang lead cast, kahit maiinis ka sa mga karakter nila ay wala kang mapapansing problema sa pag-arte nila, bagkus ay makikita mo ang mga problemang ito sa mga ekstra na kahit ilang segundo lang natin silang makikita sa screen ay mapapansin at mapapansin mo parin na tila wala sila sa lugar sa mga ginagawa nila.
Kung katulad mo ako na ngayon lang papanoorin ang klasikong pelikula na tulad nito, maaaring hindi na kasing ganda tulad ng sa mga taong nakapanood dati sa panahon nito ang pagtanggap mo sa pelikula dahil nasanay ka na sa ilang improvements sa mga palabas ngayon lalo na pagdating sa make-up at effects, pero masasabi ko na isa ang Jaws sa mga pelikula na hindi dapat palampasin ng mga mahilig manood ng pelikula dahil ito ang nagpasimula sa mga pelikulang napapanood natin ngayon na may parehong senaryo. Hindi man gaanong kapani-paniwala ang ginamit na pating ay bumawi naman sila sa magandang cinematography, scoring at istorya.

No comments:
Post a Comment