★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Shailene Woodley, Theo James
Starring: Shailene Woodley, Theo James
Genre: Action, Adventure, Sci-Fi
Runtime: 2 hours, 19 minutes
Director: Neil Burger
Writers: Evan Daugherty, Vanessa Taylor, Veronica Roth (novel)
Production: Summit Entertainment, Red Wagon Entertainment
Country: USA
Isang kuwento mula sa hinaharap kung saan ang taumbayan ay nahati-hati sa anim na pangkat depende sa kanilang katangian. Ang Abnegation (selfless), Amity (peaceful), Candor (honest), Dauntless (brave), at Erudite (brave). Si Beatrice Prior (Shailene Woodley) ay lumaki sa pangkat ng Abnegation ngunit bata pa lang ay nagpapakita na ng kagustuhan sa Dauntless. Nang sumapit siya sa ika-labinganim na taon ay sumabak agad si Beatrice sa aptitude test kung saan napag-alam niyang sa tatlong pangkat naaayon ang kaniyang mga katangian, mas kilala ito sa tawag na "Divergent" kung saan ang mga tulad niya ay hindi hinahayaang mabuhay. Dahil sa nalamang katotohanan, na kay Beatrice na ngayon kung papaano niya ito itatago.
Maayos ang pagkakagawa nito bilang isang adaptation. Kung una mong binasa ang libro bago pinanood ang pelikula, hindi ka maiinis na tulad ng ibang adaptations ng mga libro. Konti lang ang mga inibang eksena upang paiksihan ang istorya at gawing less brutal. Yun nga lang pagdating sa climax, wala masyadong pasabog. Hindi established ang naging friendship ni Tris sa iba niyang mga kasama kaya hindi tuloy ramdam ang pressure ng ginawang ranking sa initation.
Magaling si Shailene Woodley pero hindi niya nadala ng maigi ang pelikula ng tulad ni Jennifer Lawrence sa Hunger Games. Mahusay din dito si Kate Winslet pero sa kabilang banda, mala-Gus naman si Ansel Elgort. Si Theo James naman na gumanap bilang Four ay maraming kulang. Hindi niya naipakita na misteryoso ang karakter niya tulad sa libro at hindi siya leading material kaya hindi rin ramdam ang kilig sa dalawang bida.
Ito yung tipo ng adaptation na may ilang pagkakataon na mas maganda pa ang imagination mo habang nagbabasa kaysa sa ginawang on screen. Kuha nila ang libro ngunit hindi nila naisama o nagkulang sila sa ilang aspeto nito tulad ng aksyon at romance.

© Summit Entertainment, Red Wagon Entertainment
No comments:
Post a Comment