Search a Movie

Friday, February 27, 2015

Araro (2010)

3 stars of 10
★★★ ☆☆☆☆☆☆

Starring: Paolo Rivero, Jeff Luna, Lorraine Lopez
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 12 minutes

Director: Bong Ramos
Writer: Bong Ramos, Sixto Dy
Production: Leo Films Production
Country: Philippines


Tahimik at payak, ganito ang pamumuhay ng mag-asawang Andoy (Paolo Rivero) at Elena (Lorraine Lopez) sa pag-aari nilang kabukiran ngunit ang katahimikan ito ay unti-unting nasira nang isang estranghero ang dumating sa kanilang buhay. Isang araw ay nadatnan ng mag-asawa si Steve (Jeff Luna), isang bagong salta na walang matutuluyan, sa kanilang barung-barong. Nag-aalinlangan man ay pinatuloy parin siya ng mag-asawa sa kanilang bahay nang mapilay si Andoy at hindi makapag-trabaho ng ilang araw. Bilang kapalit sa pagtira nito sa bahay nila ay si Steve ang gumawa ng mga trabaho ni Andoy sa bukid.

Ngunit ang pananatili ni Steve sa tahanan nila Andoy at Elena ay parang mansanas na tumukso kina Adan at Eba. Hindi naglaon ay nahumaling si Elena sa kakisigan ni Steve at sila'y lihim na nagkaroon ng seksuwal na kaugnayan sa likod ni Andoy. Ang hindi nila alam, hindi lang si Elena ang nahumaling at natukso sa bagong salta na estranghero.

Magulo ang pelikula at tila walang patutunguhan ang kwento nito. Pilit ang ginawang side story sa character ni Luna na si Steve at hindi ko rin maintindihan kung bakit biglang out of the blue ay nagkaroon ng male to male action sa pagitan ng dalawang lalaki at habang nagtatanong sa sarili, hindi mo namamalayan ay tapos na pala ang palabas. Bukod kay Rivero ay panira na ang ibang cast. Kulang na kulang sa acting workshop sina Lopez at Luna lalo na kay Luna na parang nagbabasa lang ng tula. 

Ang dapat sa mga ganitong pelikula ay sa Youtube na lang ipalabas dahil sayang lang ang pera ng manonood nito sa mga sinehan. Kung may kabuluhan sana ang mga ginagawang gay indie films dito sa Pilipinas tulad ng sa ibang bansa ay hindi ituturing ng iba na basura ang pink films ng Pilipinas ngunit sa ngayon, basura parin ang mga ginagawa ng karamihan.


© Leo Films Production

No comments:

Post a Comment