★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Dylan O'Brien, Kaya Scodelario, Thomas Brodie-Sangster
Starring: Dylan O'Brien, Kaya Scodelario, Thomas Brodie-Sangster
Genre: Action, Mystery, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 53 minutes
Director: Wes Ball
Writer: Noah Oppenheim, Grant Pierce Myers, T.S. Nowlin, James Dashner (novel)
Production: 20th Century Fox, Gotham Group, TSG Entertainment, Temple Hill Entertainment
Country: USA
Mahirap magising sa isang lugar na hindi ka pamilyar, walang kakilala at walang alam kung bakit ka naroroon. Ang mas mahirap pa dito ay hindi mo kilala kung sino ka at wala kang memorya sa iyong nakaraan. Ganito ang sinapit ni Thomas (Dylan O'Brien), mula sa libro ni James Dashner na may kaparehong pamagat, magsisimula ang kuwento ng pelikula sa pagdating ni Thomas sa "Glade" isang saradong lugar na nakapaloob sa isang malaking maze kung saan animnapung binata na ang naninirahan doon bago pa man siya dumating.
Ang simpleng pamumuhay ng mga binatang ito sa loob ng glade ay biglang nabago nang dumating si Thomas. Ang lahat ng mga pagbabagong nangyari ay agad isinisi sa kaniya, mas naghinala pa ang mga kasamahan nito nang sumunod na araw ay imbes na lalaki ay isang dalaga ang dumating sa kanilang glade. Sa kabila ng mga nangyari ay ikinaila ni Thomas na wala siyang kinalaman sa mga nangyayari at mapapatunayan lamang niya ang pagiging inosente nito kapag nahanap na niya ang daan palabas sa maze na pinaniniwalaang wala nang solusyon.

Bago ang atake nito kung ikukumpara sa ibang dystopian films ngunit masyadong marami ang pagbabagong ginawa dito na maaaring maging plot hole sa hinaharap maliban na lang kung itutuloy-tuloy nila ang pagbago ng kuwento hanggang sa huling libro. Maraming katanungan ang iiwan nito sa isip mo na hindi sinagot sa pelikula. Maaari naman itong sagutin sa pangalawang installment pero sa ngayon, may mga eksenang nakakalito talaga dahil maraming paliwanag ang hindi isinama sa palabas na makikita sa libro.
Ang maganda dito ay maayos ang visuals. Mula sa maze at sa glade hanggang sa mga grievers. Okay din ang mga aktor na nagsiganapan yun nga lang ay hindi maayos ang pagkakasulat sa mga karakter nila Minho at Newt na dalawa sa pinaka-bida rin sa libro.
Maganda ito sa mga naghahanap ng bagong kuwento na nahahanay sa genre na sci-fi/dystopian films. Hindi mo nga lang ito masyadong mai-enjoy kapag nabasa mo na ang libro.

© 20th Century Fox, Gotham Group, TSG Entertainment, Temple Hill Entertainment
No comments:
Post a Comment