★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Ellar Coltrane, Patricia Arquette, Ethan Hawke

Genre: Drama
Runtime: 2 hours, 45 minutes
Director: Richard Linklater
Writer: Richard Linklater
Production: IFC Productions, Detour Filmproduction
Country: USA
Isang pelikulang nagbibigay halaga sa oras, panahon at sa mga pagkakataon. Nakakamangha lang na matunghayan ang paglaki ng mga bagamat kathang-isip lamang na karakter ay tila hango naman sa tunay na buhay dahil kasabay ng kanilang paglaki ay ang literal na pagtanda rin ng mga nagsiganapang aktor sa pelikula.
Kasama ang inang si Olivia (Patricia Arquette) at kapatid na si Samantha (Lorelei Linklater) ay namuhay si Mason Evans, Jr (Ellar Coltrane) na walang permanenteng tahanan. Dahil sa pangangailangan ng kanilang ina na mag-isang nagtataguyod sa kanilang pamilya ay lumaki si Mason na palipat-lipat ng tirahan at paaralan. Mula sa taong 2002 hanggang sa 2013 ay ipinakita sa pelikula ang paraan ng pamumuhay ng kanilang pamilya. Mula sa pagkakaroon ng iba't-ibang amain at kung papaano ito nauwi sa paghihiwalay, sa mga pabagu-bagong kaibigan at kapaligiran.
Wala itong problema kung cinematography ang pag-uusapan. Malinis ang mga shots nito at magaganda ang mga angles. Sa musical scoring naman, wala rin akong masabi dahil masarap pakinggan sa tainga ang mga ginamit na kanta at ang maganda pa rito ay ito ang ginamit ni Linklater upang ipaalam kung sa anong taon na nagaganap ang mga pangyayari.
Ang kulang lang siguro ng pelikula, sa kabila ng labindalawang taong pagkakagawa nito ay masyadong simple ang flow ng palabas na maaaring ika-bore ng nanonood na hindi tipo ang mga ganitong klaseng palabas. Mula sa simula hanggang sa huli ay magaan at tahimik lang ang pagkaka-kuwento nito. Kumbaga sa daan ay patag ito, walang paliku-liko at wala masyadong pataas at pababa. Ganunpaman, punong-puno ito ng pilosopiya. Kung gaano ka-simple ang paraan ng paghahatid ni Linklater sa kwento nito ay ganun naman kalalim ang mga mensaheng nais nitong iparating at sapat na ang pagiging natural nito upang mag-iwan ng malaking impact sa mga manonood pagdating nila sa dulo ng pelikula.

© IFC Productions, Detour Filmproduction
No comments:
Post a Comment