Search a Movie

Wednesday, February 25, 2015

Birdman: Or (The Unexpected Virtue of Ignorance) (2014)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Michael Keaton, Zach Galifianakis, Edward Norton
Genre: Comedy, Drama
Runtime: 1 hour, 59 minutes

Director: Alejandro G. Iñárritu
Writers: Alejandro G. Iñárritu, Nicolás Giacobone, Alexander Dinelaris, Jr., Armando Bó
Production: New Regency Pictures, M Prods, Le Grisbi Productions, TSG Entertainment, Worldview Entertainment
Country: USA


Si Riggan Thomson (Michael Keaton) ay isang dating artista na sumikat sa pagganap nito bilang si Birdman dalawampung taon na ang nakakalipas. Sa kasalukuyan nais ni Riggan na magsimula ulit sa kaniyang career bilang isang writer at director sa kaniyang Broadway debut kung saan siya rin ang bida ngunit hindi ganoon kadali ang kaniyang ninanais dahil sa preview pa lang ay samu't-saring problema na ang kaniyang kinakaharap at hindi pa kasama dito ang problema niya sa kaniyang sarili.

Isa sa maipagmamalaki ng Birdman ay ang napakagandang cinematography nito na para bang kinunan ng single shot mula umpisa hanggang sa huli. Na-enjoy ko ang panonood dito, bawat eksena ay nakakatuwa, maganda ang dialogue ngunit sa tingin ko madali lang itong makalimutan pagkatapos ng ilang taon dahil masyadong kumplikado ang istorya nito. May mga pagkakataon kasi na tila mahirap intindihin ang mga kaganapan na para bang ang mga nasa industriya lang ang makakaintindi nito at dahil wala naman ako sa industriya nila ay hirap ako sa pagsunod sa ibang aspeto ng kwento nito.

Magaling si Keaton at kung hindi si Eddie Redmayne ang nagkamit ng Oscars para sa Best Actor ay siya ang tiyak na makakakuha nito. Bukod kay Keaton ay kahanga-hanga rin dito si Edward Norton bilang isang magaling na aktor ngunit may pabagu-bagong na ugali. Okay ang supporting cast at ito ang isa pang maipagmamalaki ng pelikula. Ang downside lang siguro nito para sa akin ay ang ang drum score na nakakagulo ng concentration.

Hindi nakaka-disappoint pero hindi ito mag-iiwan ng marka sa akin maliban na lang sa pagiging Oscar winner nito.


© New Regency Pictures, M Prods, Le Grisbi Productions, TSG Entertainment, Worldview Entertainment

No comments:

Post a Comment