7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Emily Blunt, James Corden, Meryl Streep
Genre: Adventure, Comedy, Fantasy, Musical
Runtime: 2 hours, 5 minutes
Director: Rob Marshall
Writers: James Lapine
Production: Walt Disney Pictures, Lucamar Productions, Marc Platt Productions
Country: USA
Bago itong Into the Woods para sa akin dahil hindi ako mahilig sa mga musical play. At dahil hindi ko pa napapanood ang bersiyon nito sa teatro ay para sa pelikula lang ang lahat ng ibibigay kong opinyon. Maganda ang premise ng kuwento kung saan pinagsama-sama ang iba't-ibang kilalang fairy tales tulad ng Rapunzel, Cinderella, Little Red Riding Hood at Jack and the Beanstalk. Ang crossover ng mga kuwentong ito ay iikot sa mag-asawang baker (James Corden at Emily Blunt) na hindi pa nabibiyayaan ng anak dahil sa isang sumpa mula sa isang mangkukulam (Meryl Streep). Upang mawala ang sumpang ito ay kinakailangan nilang makuha ang apat na magical items: isang baka na kasing-puti ng gatas, kapa na kasing-pula ng dugo, buhok na kasing-kulay ng mais at sapatos na mala-ginto.
Upang mahanap ang mga gamit na ito ay kinakailangang maglakbay ng mag-asawa sa gubat kung saan paparoon din ang iba pang bida na sina Cinderella (Anna Kendrick), Jack (Daniel Huttlestone), Little Red Riding Hood (Lilla Crawford), Rapunzel (MacKenzie Mauzy) at ilan pang kilalang fairy tale characters tulad ng The Big Bad Wolf (Johnny Depp) at ang mga prinsipe (Chris Pine at Billy Magnussen).
Sa kabila ng pagiging fantasy nito at sa pagkakaroon ng iba't-ibang fairy tale characters ay may mga ilang parte na masyadong dark para sa mga bata. Maganda ang first half nito ngunit nagkagulo at bumaba ang level of excitement nito pagdating sa last half. Biglang bumilis ang mga kaganapan at hindi mo na mawari kung ano ang nangyari sa ibang mga karakter. Hindi rin nabigyan diin ang kuwento ng pagiging magkapatid nila [SPOILER!] Mr. Baker at Rapunzel.
Sa kabila ng pagiging fantasy nito at sa pagkakaroon ng iba't-ibang fairy tale characters ay may mga ilang parte na masyadong dark para sa mga bata. Maganda ang first half nito ngunit nagkagulo at bumaba ang level of excitement nito pagdating sa last half. Biglang bumilis ang mga kaganapan at hindi mo na mawari kung ano ang nangyari sa ibang mga karakter. Hindi rin nabigyan diin ang kuwento ng pagiging magkapatid nila [SPOILER!] Mr. Baker at Rapunzel.
Mahusay ang mga artistang nagsiganapan dito lalung-lalo na kina Emily Blunt at Meryl Streep, silang dalawa ang talagang nag-shine sa buong pelikula. Pagdating naman sa visuals, maganda ang effects maliban na lang sa make-up ni Streep, tuwing pinapakita siya ay agaw eksena ang mga linya sa noo nito at tila kalahati lang ng ulo nito ang gumagalaw.
Catchy rin ang mga kanta, ito ang nanghikayat sa akin nang mapanood ko ang trailer, kahit na minsan ay iisa lang ang tono nito at may mga pagkakataong masyadong mahaba ang mga eksena kung saan kumakanta ang mga karakter kaya minsan nakakainip panoorin.
© Walt Disney Pictures, Lucamar Productions, Marc Platt Productions
No comments:
Post a Comment