★★★★★★★★★ ☆
Starring: Miles Teller, J.K. Simmons
Genre: Drama, Music
Runtime: 1 hour, 46 minutes
Director: Damien Chazelle
Writer: Damien Chazelle
Production: Bold Films, Blumhouse Productions, Right of Way Films
Country: USA
Sa simula pa lang ay masasaksihan mo na agad dito ang husay ni Simmons bilang artista. Unang eksena at malalaman mo na ang kaniyang role bilang isang conductor na may pagka-sadista at ang galing niyang ito ay talaga namang Oscar-worthy kaya hindi na ako magtataka kung siya man ang makasungkit ng Best Supporting Actor Award para sa taong ito. Sa kabilang banda naman, hindi rin nagpahuli si Teller dahil ito na yata ang pinaka-magaling niyang pagganap sa isang role na hindi nakakayamot na tulad sa iba niyang palabas. Iba ito sa karaniwang roles niya na usually ay nagpapatawa o nang-iinis. Naipakita niyang may ibubuga din siya pagdating sa drama at hindi siya nagpatalo sa kasama niyang si Simmons.
Ang kwento nito marahil ay hindi na bago sa iba dahil maraming palabas na ang nakagawa ng bidang nangarap at ginawa ang lahat upang maipakita sa iba na karapat-dapat siya sa pangarap na kaniyang ninanais. Ang tanging gusto lang naman ni Andrew Neiman (Miles Teller) ay maging isang magaling na drummer na katulad ni Buddy Rich ngunit ang husay niya sa drums sa kasalukuyan ay hindi pa papasa sa conductor na si Terrence Fletcher (J.K. Simmons). Sa kabila nito ay kinuha parin siya ni Fletcher upang maging alternate sa drummer ng kaniyang banda. Dito nakita ni Neiman kung gaano kaseryoso at minsan kalupit si Fletcher sa mga estudyante niya. Istrikto, pranka at agresibo hanggang sa umabot sa punto na nasasaktan na niya ang mga ito.

Nang minsang masigawan at masampal ni Fletcher si Neiman dahil sa hindi nito masabayan ang bilis ng pinapatugtog ng kanilang banda ay dito nagsimulang magpursigi ang binata. Araw-araw itong nagsanay hanggang sa literal na magdugo ang kaniyang mga kamay makuha lang ang tamang kumpas at bilis ng kaniyang mga kamay. Ang problema, sa kabila ng mga paghihirap na ginawa ni Neiman ay hindi parin pumasa ang galing nito sa panlasa ni Fletcher. Ngunit hanggang sa huli, ipinakita ni Neiman kay Fletcher ang tunay niyang kakayahan.
Intense ang bawat eksena, walang patapon at mula sa simula hanggang sa huli ay siguradong hahawakan nito ang buong atensyon mo. Maganda ang pagkakagawa ng mga karakter sa pelikula lalo na kay Fletcher dahil hindi ito tumulad sa mga stereotype na sa una'y istrikto ngunit sa huli'y maganda pala ang motibo. Pinanindigan nito ang pagiging ugali niya at ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkaroon itong pelikula ng napakaganda at perpektong katapusan.

© Bold Films, Blumhouse Productions, Right of Way Films
No comments:
Post a Comment