Search a Movie

Friday, February 6, 2015

A Serbian Film (2010)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Srdjan Todorovic, Sergej Trifunovic
Genre: Horror, Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 44 minutes

Director: Srđan Spasojević
Writer: Aleksandar Radivojević, Srđan Spasojević
Production: Contra Film
Country: Serbia


Nakakapagpabagabag. Hindi yan tongue twister kundi ang deskripsyon ko para sa pelikulang ito. Isang semi-retired porn star, si Milos (Srdjan Todorovic) ay nahaharap ngayon sa problema sa pera. Simula nang tumigil siya sa kaniyang trabaho ay nahirapan na siya sa mga gastusin ng kaniyang pamilya. Ang problema niyang ito ay sinubukan niyang lutasin nang muli siyang bumalik sa mundo ng porno kung saan isang alok mula sa dati niyang katrabaho ang ibinigay sa kaniya upang magbida sa isang 'art film' kasama ang direktor na si Vukmir (Sergej Trifunovic).

Ang hindi alam ni Milos, ang art film na ito ay may mas malalim pang layunin at huli na ang lahat bago niya mapagtanto na nasa panganib na ang buhay niya at ng kaniyang pamilya.

Pedophilia, necrophilia, sexual intercourse sa pagitan ng dalawang lalaki, iba't-ibang klase ng rape, incest at kung anu-ano pa. Nandito na yata ang lahat ng klase ng sex pero aaminin ko, hindi ito kasing-disturbing ng inaakala ko o ng mga nakasulat sa internet. May mga eksenang nakakagambala talaga tulad ng pag-rape sa isang sanggol at sa nangyaring incest ngunit iilan lang ang tatatak. Mabagal ang simula ng istorya pero pagdating sa rurok ng pelikula ay hindi ka naman madidismaya. Brutal, madugo at sunod-sunod na ang mga pasabog hanggang sa huli.

Hindi talaga ito pwede sa mga bata kahit konting silip lang. May ilang frontal nudity at maraming malulupit na eksena na gigising sa iyong moralidad. Matapang si Srđan Spasojević na gumawa ng ganitong klaseng pelikula at hanga ako sa kaniya dahil naipakita naman niya ang mapapangahas na katotohanan na hindi natin masyadong pinag-uusapan. Ipinalabas niya ito ng walang limitasyon kahit na marami itong hindi magagandang kritisismo na nakuha sa huli.


© Contra Film

No comments:

Post a Comment