★★★★★★★★★ ☆
Starring: Angelica Panganiban, JM de Guzman
Genre: Romance
Runtime: 1 hour, 50 minutes
Director: Antoinette Jadaone
Writer: Antoinette Jadaone
Production: Cinema One Originals, Epicmedia, Monoxide Works, One Dash Zero Cinetools
Country: Philippines
As expected mula sa isang magaling na writer, isang kahanga-hangang pelikula na naman ang nagawa ni Antoinette Jadaone (Ekstra, English Only, Please). Isang kwentong pag-ibig para sa mga broken-hearted na iniwan ng mga minamahal. Si Mace (Angelica Panganiban) ay mula sa Italya na problemado sa kaniyang bagahe pauwi dahil sobra ito sa baggage requirement. Isang lalaki ang nagmalasakit at tumulong sa kaniya, si Anthony (JM de Guzman) na isang Pinoy din. Dito nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawang tao na parehong iniwan ng kanilang minamahal at sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawang heartbroken na ito ay sinubukan nilang ayusin ang kaniya-kaniyang pusong nasaktan.
Sa unang parte ng pelikula ay tila wala pa sa karakter si Angelica Panganiban at may mga pagkakataon na overacting siya pero nakabawi naman sa second half ng pelikula sa parte kung saan nagpunta na ang dalawa sa Sagada. Sa kabilang banda, maayos ang akting ni JM de Guzman mula sa simula hanggang sa huli. Ngayon ko lang siya napanood na umarte at magaling siya. Puno ng chemistry sina Panganiban at de Guzman at sa buong pelikula ay hindi mo maiiwasang hindi mahalin ang karakter nilang dalawa.

May pagkakahawig ito sa Before Sunrise na ang tanging ginawa ng dalawang bida ay ang mamasyal, mag-kwentuhan, magpalitan ng opinyon tungkol sa buhay at pag-ibig at higit sa lahat ay kinilala ang isa't-isa. Ang dialogue ang pambato nitong pelikula kahit na medyo exaggerated ang murahan, wala itong masyadong kaganapan na pupukaw sa interes mo ngunit ang buhay ng dalawang bida ay sapat na upang subaybayan mo ang pelikula hanggang sa dulo. Ito yung mga pelikulang Pinoy na kapag binigyan mo ng dalawang oras na pagkakataon ay hindi nito sasayangin ang oras na inilaan mo.
© Cinema One Originals, Epicmedia, Monoxide Works, One Dash Zero Cinetools
No comments:
Post a Comment