Search a Movie

Thursday, March 12, 2015

When Harry Met Sally... (1989)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Billy Crystal, Meg Ryan
Genre: Comedy, Romance, Drama
Runtime: 1 hour, 35 minutes

Director: Rob Reiner
Writer: Nora Ephron
Production: Castle Rock Entertainment, Nelson Entertainment
Country: USA


"Can men and women stay friends without sex getting in the way?" Sa katanungang ito iikot ang pelikula. Sa paniniwala ni Harry Burns (Billy Crystal), walang sino mang lalaki ang makikipagkaibigan sa mga babae dahil palaging papasok sa kanilang isip ang sex. Hindi naman sumang-ayon dito si Sally Albright (Meg Ryan) nang minsang magsama ang dalawa sa isang sasakyan patungo sa New York. Sa paniniwala ni Sally, kayang magsama ng lalaki at babae na walang ibang relasyon kundi magkaibigan lang at walang halong sex. Ito ang pinagtalunan ng dalawa sa buong biyahe.

Matapos ang limang taon, muling nagtagpo ang landas ng dalawa at pareho na sila ngayong may sari-sariling karelasyon. Sa pagkikita nila ay sinubukang kaibiganin ni Harry si Sally upang mapatunayan nito ang kaniyang teorya sa pagkakaibigan ng mga babae at lalaki ngunit muling nauwi sa pagtatalo ang dalawa.

Limang taon ulit ang lumipas bago muling nagkita sina Harry at Sally. Sa ngayon ay pareho nang sawi sa pag-ibig ang dalawa. Dito sila nagsimulang magkamabutihan at naging magkaibigan. Sa pagtagal ng panahon, mapapatunayan ng isa sa kanila na tama ang kaniyang teorya pagdating sa pagkakaibigan.

May "The Sure Thing" vibe kang makukuha sa simula ng pelikula kung saan dalawang estranghero ang nagkakilala, nagkainisan, nagkuwentuhan at nagsama sa iisang biyahe. Mabuti na lang at sa unang parte lang ito dahil iba na ang tinahak nitong direksyon sa mga sumunod na eksena. Magaling ang dialogue at okay ang screen chemistry nila Ryan at Crystal. Battle of the sexes ang tema ng pelikula at maganda itong panoorin kasama ang girlfriend/boyfriend kung naghahanap kayo ng magandang romantic comedy film.

Simple lang ang kuwento kaya madaling makalimutan. Hindi sapat ang magandang dialogue at magagaling na artista nito upang tumatak sa manonood. Isang rom-com flick na sasabayan mo sa pagtawa pero malilimutan din siguro pagkatapos.


© Castle Rock Entertainment, Nelson Entertainment

No comments:

Post a Comment