Poster courtesy of IMP Awards © Thunder Road Pictures |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Keanu Reeves, Michael Nyqvist
Genre: Action, Crime
Runtime: 1 hour, 41 minutes
Director: Chad Stahelski, David Leitch
Writer: Derek Kolstad
Production: Thunder Road Pictures, 87Eleven, MJW Films, DefyNite Films,
Country: USA
Matapos mamatay ang kaniyang asawa mula sa isang malubhang sakit ay nakatanggap si John Wick (Keanu Reeves) ng isang tuta mula dito upang makatulong sa kaniyang pagluluksa. Ngayon ay mag-isa nang nabubuhay, makakasalamuha ni Wick ang isang grupo ng mga Russian gangster na pag-iinteresan ang kaniyang vintage 1969 Ford Mustang Mach 1. Nais itong bilihin ng kanilang lider na si Iosef Tarasov (Alfie Allen) ngunit hindi ito ipinagbibili ni Wick.
Kinagabihan, ang hindi alam ni Wick ay sinundan pala siya ng mga naturang gangster sa kaniyang tahanan. Bubugbugin nila ito, papatayin ang kaniyang alagang aso at nanakawin ang kaniyang sasakyan.
Nang mapag-alaman ni Viggo Tarasov (Michael Nyqvist), ang namumuno sa isang malaking Russian crime syndicate, ang ginawa ng kaniyang anak na si Iosef kay Wick ay agad itong nakaramdam ng pagsisisi at takot. Ang hindi alam ni Iosef, ang pinagdiskitahan niyang lalaki ay isa pala sa mga pinakamagaling na assassins na kilala sa pangalang "Baba Yaga" o ang "Boogeyman."
Matagal nang retirado si Wick bilang isang assassin ngunit dahil sa pagpaslang sa kaniyang alaga na nagmula sa namayapa nitong asawa at sa pagnakaw sa kaniyang pinakamamahal na sasakyan ay muli nitong babalikan ang buhay na matagal na niyang kinalumtan para lang makapaghiganti sa taong umagrabyado sa kaniya.
Masasabi kong isa ang John Wick sa mga pelikulang may dating pagdating sa action genre. Kumpleto ang rekado nito sa aasahan mong maaksyon na kuwento. Mula sa labanan, habulan at patayan ay hindi ka madidismaya sa palabas. Simula pa lang ay matutunghayan mo na ang pagiging astig ng bida. Medyo sinira nga lang ng prologue ang kabuuan nito ngunit mapapahanga ka talaga sa swabe nitong bida.
Ang nagpa-angat sa pelikula ay ang misteryong bumabalot kay John Wick. Halos lahat ay pabor sa kaniya, mula sa mga pulis at mga nakatataas mula sa mundong dati nitong ginagalawan ay may respeto at takot sila sa kaniya, maging ang mga kalaban. Hindi ito tipikal na action movie kung saan ang bida ay tila kalaban ang buong mundo. Dito ay marami siyang koneksyon at hindi nauubusan ng alas kaya naman nasabi kung napaka-swabe ng kaniyang karakter.
Ang hindi ko lang nagustuhan dito ay ang mismong plot ng pelikula. Habang tumatagal ay mare-realize mong medyo petty ang naging rason ni John Wick. Makakapatay ito ng napakaraming tao dahil sa isang simpleng aso at sasakyan. Sa huli ay mapapa-isip ka na lahat ng iyong natunghayan ay dahil lang sa isang tuta at isang kotse.
Maganda man ang pagkakagawa sa karakter ni John Wick ay may ilang pagkakataon ding boring ang labas ng kaniyang karakter. Oo nga't astig siya, hahangaan mo siya sa mga bakbakan ngunit kung titignan ang kabuuan ng litrato ay walang interesting sa buhay niya.
Ang aksyon ang nagbuhat sa buong pelikula. Magaling ang mga action sequence at mapapabilib ka sa bawat labanan. Kung matinding aksyon ang hanap mo ay ito ang dapat sa iyo. Puno ng barilan, fist fight at car chase kahit na medyo nagkulang ito sa mga astig na mga armas. Magaling ang pagkakabuo ng mga writers sa buhay ni Wick at mas maganda pa sana kung nabigyan din siya ng maayos na plotline.

No comments:
Post a Comment