Search a Movie

Monday, June 25, 2018

Disturbia (2007)

Poster courtesy of IMP Awards
© DreamWorks
4 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆☆☆

Starring: Shia LaBeouf, Sarah Roemer, Aaron Yoo
Genre: Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 45 minutes

Director: D. J. Caruso
Writer: Christopher Landon, Carl Ellsworth
Production: DreamWorks, Cold Spring Pictures, The Montecito Picture Company, Digital Image Associates
Country: USA


Sa pag-atake niya sa kanyang propesor ay nauwi sa house arrest ang binatang si Kale Brecht (Shia LaBeouf). Dahil hindi maaaring lumabas sa kanilang bahay ay walang ibang ginawa si Kale kundi ang mag-stalk sa kaniyang mga kapitbahay. Isa sa mga paborito niyang inaabangan ay ang bagong lipat na dalagang si Ashley Carlson (Sarah Roemer). Bukod dito ay naka-agaw din ng pansin ang katabing bahay niyang si Robert Turner (David Morse) na pinagsu-suspetyahan niyang ang serial killer na pumapatay sa mga kababaihan sa kanilang bayan.

Kasama si Ashley at ang kaibigang si Ronnie Chu (Aaron Yoo) ay papatunayan nilang si Robert ay ang pinaghahanap na serial killer bago pa man ito muling makapang-biktima ng inosenteng tao.

Napaka-cringey ng pagka-petty ng bida sa palabas. Medyo kinulang sa pansin kaya mahirap kumampi sa ipinaglalaban niya. Hindi lang siya kundi maging ang mga karakter dito ay weirdo at creepy. Isang oras mong papanoorin ang stalking skills ng mga bida, paranoia at pilit na love story. At sa last half ay maiinis ka sa nakaka-iritang pagkakasulat sa kanilang mga karakter at sa cliche na itinakbo ng istorya nito.

Hindi lang doon nagtatapos ang mga hindi magagandang parte ng pelikula. Bukod sa hindi magandang pag-arte ng bidang babae ay pinuno rin ito ng overdramatic na musical scoring na hindi nakatulong na magbigay ng thrill sa palabas.

Pareho ang naging kuwento nito sa Fright Night (1985) at kung ako ang papipiliin sa kung anong pelikula ang aking ire-rekomenda ay mas may katuturang panoorin ang Fright Night kumpara sa medyo copycat na Disturbia.


No comments:

Post a Comment