6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Jason Abalos, Glaiza de Castro
Genre: Comedy, Music
Runtime: 1 hour, 53 minutes
Director: Quark Henares
Writer: Quark Henares, Diego Castillo
Production: Furball, Reality Entertainment, Post Manila
Country: Philippines
Nagsimula ang pelikula ng astig. May pagkakahawig ang istilo nito sa mga romantic Hollywood movies na kadalasan ay nauuwi sa tragic ending pero uunahan ko na kayo, hindi tragic ang kauuwian nito. Magsisimula ang pelikula sa pagkukuwento ni Odie (Jason Abalos), bilang voice over, sa kaniyang buhay bago niya pinasok ang mundo ng rock & roll. Kung paano niya nakilala si Irene (Glaiza de Castro) at papaano sila nauwi sa pagiging magkaibigan.
Mahilig ang dalawa sa musikang rock & roll at sa hilig nilang ito nagsimula ang pagnanais nilang magkaroon ng banda. Kasama si Mo (Ketchup Eusebio) na dating rakista at ngayon ay isa nang barista at Junfour (Alwyn Uytingco) na isang school bully ay bumuo sila ng isang banda, ang Hapipaks. Ipinakita sa pelikula ang mga pakikipagsapalaran ng banda mula sa magulong mundo ng rock and roll. Ngunit sa buong pelikula, hindi ko nasaksihan ang development ng banda at mula sa magandang simula ay unti-unting bumaba ang level of excitement nito.
Magaling si de Castro, may pagkakatulad ang role niya sa mga female characters ni John Green na weirdo at adventurous kaya very likable kaso hindi niya ito nadala hanggang sa dulo. Kay Abalos naman, so-so lang ang akting pero maayos at hindi yung tipong nakakairita na tulad ni Jacci Rocha (Diether Ocampo), isang pretentious rockstar na kina-inlaban ni Irene.
Hindi nakakatawa yung mga exaggerated scenes ng pelikula katulad sa eksena ni Ramon Bautista subalit kaya ka parin namang patawanin ng pelikula sa ibang paraan katulad ng pagiging sarkastiko nito. Pinakapaborito kong character dito ay si Matet de Leon bilang Matet de Leon, astig at simple.
Maganda ang istorya kung hindi lang sana nila hinaluan ng kakornihan. Mas maayos sana ito kung ginawang light lang ang humor at nag-focus sa conflicts ng mga characters at ng mismong banda kaso hindi sa mga conflicts na ito umikot ang pelikula, mas bumida ang pagiging comedy nito kaya may pagkakataong nasisira ang mga eksena. Mabuti na lang at marami-rami ang cameo roles dito.
© Furball, Reality Entertainment, Post Manila
No comments:
Post a Comment