5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Ben Affleck, Mark Hamill
Genre: Animation, Adventure, Musical
Runtime: 1 hour, 15 minutes
Director: Rob LaDuca, Robert Ramirez
Writer: Eugenia Bostwick-Singer, Raymond Singer, Joe Stillman, Marshall Goldberg
Production: DreamWorks Animation, Universal Home Video
Country: USA
Isang direct-to-video na pelikula tungkol sa isang biblical character na si Joseph mula sa Book of Genesis. Si Joseph (Ben Affleck) ay isang miracle baby kaya naman ibang-iba ang trato sa kaniya ng kaniyang amang si Jacob (Richard Herd). Dahil sa special treatment nito sa anak ay hindi maiwasang magselos at mainggit ng iba pang kapatid ni Joseph sa kaniya. Nang minsan mabigyan ng pagkakataon ay sinubukang despatsahin ng kaniyang mga kapatid si Joseph sa pamamagitan ng pagbenta sa kaniya bilang isang alipin.
Napunta si Joseph sa Ehipto at doon ay namuhay siyang mag-isa bilang alipin ng isang mayamang taga-Ehipto. Lingid sa kaalaman ng karamihan ay may isang natatanging galing si Joseph sa pagbibigay-kahulugan sa mga panaginip. Nang minsang magkaroon ng hindi maipaliwanag na panaginip ang Pharaoh ay nagpatulong ito kay Joseph dahilan upang malagpasan nila ang paparating na tagsalat. Dahil dito, ginawang second-in-command ng Pharaoh si Joseph at doon na nagsimula ang kaniyang magandang buhay.
Hindi man kasing-ganda ng mga animations ngayon ang mga animations noon ngunit masasabi kong disente at kaaya-aya itong Joseph: King of Dreams. Sa una'y tila hindi pa tumutugma ang mga boses sa paggalaw ng mga karakter ngunit makakasanayan mo din naman ito sa pagtagal ng pelikula. Maayos ang pagsunod ng mga writers sa kuwento ni Joseph at wala itong masyadong pinalitan o idinagdag yun nga lang, mayroong antok factor ang pelikula dahil wala kang maituturing na climactic dito. Maganda sana kung naglagay sila ng kaunting drama sa revelation part ng istorya dahil parang biglang minadali ang parteng iyon kaya naman lumabas na medyo cheesy ang ending.
Ang siguro'y nagbigay buhay lang sa pelikula ay ang music nito. Masarap pakinggan ang mga kanta at nakakagaan ng pakiramdam. Magandang pelikula ito para sa mga bata na gustong alamin ang mga kuwento sa bibliya sa pamamagitan ng pelikula. Para kasi itong children's book na nabuhay.

© DreamWorks Animation, Universal Home Video
No comments:
Post a Comment