Search a Movie

Thursday, April 30, 2015

So It's You (2014)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Carla Abellana, Tom Rodriguez, JC de Vera
Genre: Romance, Comedy
Runtime: 1 hour, 55 minutes

Director: Jun Lana
Writer: Jun Lana
Production: Regal Films
Country: Philippines


One word: cliché. Ang problema minsan sa romantic-comedy films sa Pilipinas ay puro recycled formulas ang ginagamit sa pagpapakilig. Dahil sa pagiging predictable ng storyline ay minsan sa mga bida na lang nakasalalay ang isang pelikula.

Matapos siyang hiwalayan ng groom-to-be niyang si Tony (JC de Vera) sa mismong araw ng kanilang kasal ay sinubukang makipag-team up ni Lira (Carla Abellana) kay Goryo (Tom Rodriguez), na kapareho rin niyang sawi sa pag-ibig, upang ipakita sa mga ex nilang naka-move on na sila sa pagiging broken-hearted. Nagpanggap ang dalawa bilang mag-syota at magkasunod nilang dinaluhan ang kasal ng kanilang mga ex.

Ilang araw matapos maisagawa ang kanilang misyon ay naakit pabalik ni Lira si Tony matapos nitong malamang may malubhang sakit ang napangasawa nitong si Pauleen (Gee Canlas). Sa pagkakataong iyon, masaya si Lira na nagkabalikan na ulit sila ni Tony ngunit sa kabilang banda, isang masamang balita ito para kay Goryo dahil nagsimula nang mahulog ang loob nito sa dalaga.

Hindi na bago ang ganitong senaryo sa mga pelikula na ang dulot ay kilig pero dahil sa lakas ng chemistry nila Abellana at Rodriguez ay maaari natin silang bigyan ng chance. Ang tandem nila ang nagdala sa pelikula, kahit hindi na ganoon ka-exciting ang kuwento ay kikiligin ka parin naman sa kanilang love team.

Hindi gaanong convincing si Abellana pagdating sa pagpapatawa lalo na kapag naitatabi siya sa tulad nila Paolo Ballesteros at Joey Marquez dahil siguro mas nakikita ko siya bilang isang drama actress kaysa komedyante pero kaya ka parin naman niyang patawanin dito, hindi nga lang Toni Gonzaga level. Kay Rodriguez naman, may dating siya on-screen nakaka-irita nga lang kung minsan ang pa-cute niyang boses na parang naghihingalong ewan pero kapag ngumiti na siya, malilimutan mo din naman agad yun.

Kung maka-TomCar ka, sigurado akong magugustuhan mo itong pelikula pero para sa mga naghahanap ng romcom flick na may kakaibang kuwento, marahil hindi ito ang para sa inyo. Okay lang din naman kung gusto niyong makasilip sa magandang katawan at abs ni Tom.


© Regal Films

No comments:

Post a Comment