Search a Movie

Saturday, May 2, 2015

Cast Away (2000)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Tom Hanks
Genre: Adventure, Drama
Runtime: 2 hours, 23 minutes

Director: Robert Zemeckis
Writer: William Broyles, Jr.
Production: 20th Century Fox, DreamWorks, ImageMovers, Playtone
Country: USA


Anong gagawin mo kung isang araw ay ma-stranded ka sa isang malayong isla? Ngunit sa pagkakataong ito ay wala kang pagpipiliang makakasama, walang kondisyon at higit sa lahat, hindi ito isang tricky question.

Ganito ang nangyari sa isang trabahador ng FedEx na si Chuck Noland (Tom Hanks) matapos bumagsak ang sinasakyan nitong eroplano sa kalagitnaan ng Pacific Ocean. Sa apat na pasahero ng eroplano ay siya lang ang nakaligtaas at napadpad sa isang islang walang populasyon. Kasama ang ilang FedEx packages na ang mga laman ay isang bola ng volleyball, isang pares ng ice skating shoes at ilang divorce papers, sinubukang mag-survive ni Chuck sa isla sa pag-aakalang darating din agad ang tulong ngunit lumipas ang apat na taon, walang tulong na dumating. 

Namuhay siya sa isla kasama si Wilson, ang volleyball na binigyan niya ng mukha sa pamamagitan ng kaniyang dugo. Sa kabila ng lahat, hindi nawalan ng pag-asa si Chuck hanggang sa dumating din ang araw na isang bagay ang inanod sa pangpang na maaaring makatulong sa kaniyang makaalis sa naturang isla.

Kabila't kanan ang mga mensaheng nais iparating ng pelikulang ito. Isang palabas na punong-puno leksiyon sa buhay. Para ito sa mga taong nati-take for granted ang mga bagay na halos abot-kamay nila araw-araw ngunit hindi nila nabibigyan ng importansya katulad ng mga kapamilya at kaibigan, maski pagkain at simpleng gamit na kapag nawala sa atin ay saka lang natin nakikilala ang tunay nitong halaga.

Isa pa sa mga aral ng pelikulang ito ay patungkol sa tiwala at pag-asa. Na kahit gaano mo man katagal kinakaharap ang isang problema, darating din ang araw na magkakaroon ng solusyon ang paghihirap na dinaranas mo. At ang pinaka-gusto ko sa lahat, anuman ang mangyari sa atin, kailangan paring ipagpatuloy ang pagtahak sa direksyon ng buhay

Pagdating naman sa aktingan, hindi matatawaran ang napakagaling na pagganap dito ni Tom Hanks. Kahit bola lang ang kausap nito ay madadala ka talaga. Mas dama mo ang paghihirap, ang pasakit ng kaniyang karakter dahil sa magaling nitong delivery. Minsan nga lang, may ilang dull moments dahil sa kakulangan ng dialogue o pangyayari sa isla at maaaring ikaburyo ito ng mga manonood na naghahanap ng something na ma-aksyon dahil more on drama ito kumpara sa adventure.

Ang masasabi ko lang, isa na siguro ang Cast Away sa mga pelikula na may meaningful at powerful ng ending. Yung tipo namapapaisip ka talaga sa buhay habang nagro-roll ang credits scene. 


© 20th Century Fox, DreamWorks, ImageMovers, Playtone

No comments:

Post a Comment