Search a Movie

Friday, May 15, 2015

Ouija (2014)

5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Olivia Cooke, Ana Coto, Daren Kagasoff
Genre: Horror
Runtime: 1 hour, 29 minutes

Director: Stiles White
Writer: Juliet Snowden, Stiles White
Production: Platinum Dunes, Hasbro, Blumhouse Productions
Country: USA


Magsisimula ang kuwento sa pagkamatay ni Debbie (Shelley Hennig), inakala ng lahat na siya ay nag-suicide ngunit ang katotohanan ay may kinalaman ang pagkamatay nito sa nilaro niyang Ouija. Sa kabilang banda, hindi naman matanggap ni Laine (Olivia Cooke) ang biglaang pagkamatay ng kaniyang matalik na kaibigan kaya kasama ang ilang kaibigan at ang kapatid ay sinubukan nilang laruin ang Ouija upang makausap si Debbie at makapag-paalam sa dalaga. Ang hindi nila alam, ang nakausap nilang kaluluwa ay hindi kay Debbie kundi sa isang batang babae na siyang manggugulo sa kanilang buhay dahilan upang sapitin nila ang kinahinatnan ng kaibigan nilang si Debbie.

Present parin dito ang lumang formula ng pananakot: biglaang paglitaw ng multo sa screen na sinabayan ng nakakabinging sound effects, gumagalaw na mga gamit, mga karakter na hindi nanonood ng horror flicks, matatandang naniniwala sa mga kababalaghan at ang tanging nakaka-alam kung paano lutasin ang problema ng bida at ang attic scene. Kung naka-getover ka na sa mga ganitong paraan ng pananakot, malamang hindi na papasa ang palabas na ito sa iyong pamantayan.

Walang gaanong bago sa kuwento, sinubukan nilang maging kakaiba sa ginawa nilang twist ngunit hindi rin iyon umubra dahil hindi nila masyadong pinagtuunan ng pansin ang kuwento sa likod ng kababalaghan. Kumbaga wala nang follow-up sa kuwento ng multo, binanggit lang ang dahilan at nagsimula na agad sila sa killing brigade na hindi man lang pinag-isipan. Kahit sa "pagpatay" lang sana sila bumawi at ginawang nakakatakot kaso pati ang parteng 'yon ng palabas ay tila tinamad na ang direktor at writer. 

Okay na itong isama sa listahan ng pelikulang ima-marathon mo tuwing Halloween dahil magugulat ka din naman dahil sa sound effect nito pero kung naghahanap ka talaga ng palabas na nakakatakot, manood ka na lang ng Insidious.


© Platinum Dunes, Hasbro, Blumhouse Productions

No comments:

Post a Comment