★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Tom Kenny, Bill Fagerbakke, Rodger Bumpass, Clancy Brown, Mr. Lawrence, Antonio Banderas
Starring: Tom Kenny, Bill Fagerbakke, Rodger Bumpass, Clancy Brown, Mr. Lawrence, Antonio Banderas
Genre: Animation, Adventure, Comedy
Runtime: 1 hour, 32 minutes
Director: Paul Tibbitt
Writer: Jonathan Aibel, Glenn Berger, Stephen Hillenburg, Paul Tibbitt
Production: Paramount Animation, Nickelodeon Movies, United Plankton Pictures
Country: USA
Nawawala ang pinaka-importanteng bagay sa buong Bikini Bottom, ang secret formula ng Krabby Patty. Dito iikot ang buong pelikula, sa paghahanap sa nawawalang formula na nagsimula nang muling magsubok si Plankton (Mr. Lawrence) na kunin ang matagal na niyang hinahangad na secret formula ng kalabang fast food chain. Sa biglaan nitong pagkawala ay kay Plankton napunta ang sisi ngunit nasaksihan mismo ni SpongeBob SquarePants (Tom Kenny) kung papaano nawala ang formula kaya kinampihan niya ang dating kalaban dahilan naman upang isipin ni Mr. Krabs (Clancy Brown) na magkasabwat ang dalawa.
Sa pagkawala ng formula ay nahirapan nang gumawa ng Krabby Patties ang Krusty Krabs kaya nagkagulo ang buong Bikini Bottom. Nagsanib-puwersa sina SpongeBob at Plankton upang makagawa ng time machine at makabalik sa oras kung kailan nawala ang secret formula ngunit pumalpak ang dalawa. Sa huli ay napag-alaman nilang isang pirata sa labas ng dagat ang tunay na salarin at kinakailangan nilang umahon mula sa dagat upang maibalik ang secret formula na ito.

SpongeBob SquarePants bilang isang live action comedy film? Sino naman ang hindi mai-excite dito na dinagdagan pa ng isang pasabog na movie trailer? Ngunit habang pinapanood ko ng buong pelikula, ang excitement ay napalitan ng dismaya dahil sa dulo lang pala ang live action at halos 30% lang ito ng pelikula. Ang 70% ay pure animation na na parang sa naunang pelikula. Wala namang masama kung may halo itong animation, ang nakakadismaya lang ay hindi nila pinanindigan ang hype na ginawa nila. Parang chichirya lang na majority ay hangin ang laman (kung expectations ang pag-uusapan).
Pagdating sa kuwento, hindi ko alam kung masyado na akong mature at nag-iba na ang taste ko pagdating sa humor o baka dahil sa matagal na akong hindi nakakanood ng TV series at hindi ko na gets ang paraan nila ng pagpapatawa. Sa buong pelikula, nahirapan ako sa pagkapa kung alin ang nakakatawa, karamihan sa jokes ay corny at cheesy na maging si Patrick na paborito kong karakter ay hindi na ako mapatawa.

Magulo ang pelikula, parang nanggaling sa imaginations ng isang 5-year old na bata ang kuwento. Maraming parte ang hindi naman kailangan sa main storyline at okay lang kahit na alisin ito katulad ng time machine para lang ma-meet si Bubbles. Nagmukha tuloy mahaba ang isang pelikula na hindi man lang umabot ng 100 minutes.
Very Avengers naman ang live action part, pero kahit gano'n ay ito ang pinaka-paborito ko sa buong pelikula. Maganda ang visual effects, maging ang animation ay nag-improve kaya pwede nang palampasin kahit na medyo tabingi ang humor dahil para sa mga bata naman talaga ang palabas na ito subalit mas mabuti rin sana kung gumawa sila ng mas disenteng istorya na pasok din sa panlasa ng mga matatanda.

© Paramount Animation, Nickelodeon Movies, United Plankton Pictures
No comments:
Post a Comment