Search a Movie

Wednesday, May 13, 2015

Seventh Son (2014)

4 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆☆☆

Starring: Ben Barnes, Jeff Bridges, Julianne Moore
Genre: Action, Adventure, Fantasy
Runtime: 1 hour, 42 imnutes

Director: Segei Bodrov
Writer: Matt Greenberg, Joseph Delaney (novel)
Production: Legendary Pictures, China Film Group, Thunder Road Pictures, Moving Picture Company (MPC)
Country: USA


Si Master Gregory (Jeff Birdges) ay isang Spook o kilala bilang tagapuksa ng mga masasamang nilalang o elemento na gumagambala sa mga tao. Siya, na tanging natitira sa kanilang angkan, ang tumalo at humuli sa mangkukulam na si Mother Malkin (Julianne Moore). Ngunit nang sumapit ang Blood Moon ay lumakas ang kapangyarihan ni Mother Malkin dahilan upang makatakas siya sa kaniyang kulungan.

Sa pagtakas nito ay kinailangang makahanap agad si Master Gregory ng panibagong apprentice, na siyang papalit sa lugar ni Billy (Kit Harington) matapos siyang patayin ni Mother Malkin, bago nila maipagpatuloy ang pagtugis sa mangkukulam. 

Dito niya makikilala si Tom Ward (Ben Barnes), ang ikapitong anak ng isang ikapitong anak (seventh son of a seventh son). Sa isang Lingong palugit ay kinakailangang sanayin ni Master Gregory ang kaniyang bagong apprentice bago maging buo ang Blood Moon kung saan mahihirapan na silang pigilan si Mother Malkin sa pinaplano niyang pagsalakay sa sangkatauhan.

Magandang pakinggang ang plot, exciting at puno ng aksyon pero ikinalulungkot kong sabihin na malayo sa exciting ang pelikula. Maganda ang effects at magaling ang ilang aktor dito ngunit hanggang doon lang ang ikinaganda nito. Pagdating sa kuwento, character development at pacing, madidismaya ka lang. Para bang sa isang karaniwang pelikula, tinatanggal ang mga eksenang hindi kaaya-aya, pero dito sa Seventh Son, parang tinanggal ang magaganda at basura ang itinira.

Maraming eksena ang dragging at hindi ako magtataka kung aantukin ka sa panonood nito. Nagkulang si Segei Bodrov sa pagbibigay ng action element ng pelikula. Wala akong nakitang pagsasanay ng bida, kung meron man ay hindi halata. Ang bumuo sa palabas ay ang pilit na love angle nila Tom Ward at Alice Deane (Alicia Vikander) na nahirapan akong hanapan ng spark dahil hindi maganda ang pagkaka-kuwento, ang paglalakbay ni Tom at Master Gregory na wala namang saysay at sana ay inilaan na lang nila ito sa pagpapaliwanag kung bakit kailangang ikapitong anak ang kinakailangang maging apprentice o kung ano ang nangyari bago makulong si Mother Malkin ng mahabang panahon.

Pagdating sa climax, dito mo mare-realize na nagsayang ka lang ng pera sa panonood mo nito sa sinehan. Habang papalapit ang katapusan ay siya namang pagbaba ng quality ng pelikula. Parang minadali ang climax, ang mga cool-looking supporting villains ay nagmukhang extra sa bilis ng pagkamatay nila at ang inaasam mong matinding labanan sa dulo ay parang hangin na hindi mo makikita.

Hindi pa diyan kasama ang hamon na akting ni Barnes at ang hindi maintindihang mga linya ni Bridges na para bang tinatamad umakting. Nasasayangan ako kay Moore sa pelikulang ito. Kailangan ko pa bang banggitin si Tusk?


© Legendary Pictures, China Film Group, Thunder Road Pictures, Moving Picture Company (MPC)

No comments:

Post a Comment