Search a Movie

Monday, May 18, 2015

The Blair Witch Project (1999)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Heather Donahue, Joshua Leonard, Michael C. Williams
Genre: Horror, Mystery
Runtime: 1 hour, 21 minutes

Director: Daniel Myrick, Eduardo Sánchez
Writer: Daniel Myrick, Eduardo Sánchez
Production: Haxan Films
Country: USA


Tatlong filmmaker students ang nagsubok na gumawa ng dokyumentaryo tungkol sa isang local legend, ang Blair Witch. Dala ang ilang kasangkapan sa pagkuha ng video, compass at mapa ay pinuntahan nila ang lugar kung saan ito nagmula, ang Burkittsville, Maryland na kilala sa dating tawag na Blair. Sa unang araw, nagsimula ng maayos ang kanilang paghahanap ng mga impormasyon hanggang sa pasukin nila ang masukal na gubat ng Burkittsville upang makakalap pa ng mas matibay na ebidensya.

Sa kanilang pangalawang gabi na pagtira sa gubat, nagsimula silang makarinig ng kakaibang tunog sa labas ng kanilang tent. Nung una'y inakala nilang hayop lang ang gumawa ng mga ingay na iyon. Kinaumagahan, napag-desisyunan nilang lumabas na ng gubat ngunit sila'y nagkaproblema nang hindi na nila makita ang daan pabalik. Napilitan silang manatili ulit sa gubat nang sumapit ang dilim. Habang tumatagal ang pamamalagi nila sa gubat ay nagsimulang tumindi ang mga kababalaghan nagparamdam sa magkakaibigan hanggang sa isa-isa silang mabiktima ng nilalang na hindi nila makita.

Ang plano ng pelikulang ito ay manakot at nagawa nila ito ng maayos. Hindi ka dito magugulat o mapapatakip ng mga mata sa takot pero tiyak na mangingilabot ka sa panonood nito. Ang maganda sa pelikulang ito ay wala kang makikitang multo o anumang nakakatakot na mukha subalit alam mong may isang bagay dito na katakut-takot, hindi mo lang alam kung ano ito at iyon ang mas nagpapakilabot sa karanasan mo sa panonood nito. 

Nanatili ang director sa pagpapakita ng kung ano ang nangyayari sa mga karakter kaya mas ramdam mo ang bawat eksena. Mas nakadagdag pa sa feeling na parang nasa pelikula ka mismo dahil isa itong found footage na pelikula. Yun nga lang, may tendency na maging shaky ang ilang scenes na minsan ay nakakahilo bilang isang manonood. Maysadong madaming eksena na ang makikita ay ang dibdib ng bida o ang paa o kung anumang parte ng kanilang katawan maliban sa mukha at minsan ay nakakabanas dahil gusto mong malaman kung anong nangyayari sa paligid ngunit binti lang ang nakikita mo sa iyong screen.

Ang parte pa na hindi ko nagustuhan dito ay ang dialogue, maysadong weak na kadalasan ay puro sigawan lang. Mahirap ding magustuhan ang mg karkter dito dahil una: nakakainis sila sa buong pelikula at pangalawa: hindi ganoon kagaling ang mga aktor na nagsiganapan.

Gayunpaman, maganda parin ito para sa mga naghahanap ng katatakutang hindi nangangailangan ng special effects o ng jump scare tricks. 


© Haxan Films

No comments:

Post a Comment