★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Cameron Diaz, Leslie Mann, Kate Upton
Starring: Cameron Diaz, Leslie Mann, Kate Upton
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 49 minutes
Director: Nick Cassavetes
Writer: Melissa Stack
Production: 20th Century Fox, LBI Productions
Country: USA
May mga comedy flicks na nakakatawa dahil sa istorya at sa mga bida, may ilan na artista lang ang nagdadala, meron din namang iba na kailangang magmukhang tanga muna ang bida para pumasa at meron ding kahit mukha nang tanga ay hindi parin kayang magpatawa bagkus ay maiinis ka lang at doon sa panghuling halimbawa nababagay ang The Other Woman.
Si Carly Whitten (Cameron Diaz) ay isang kabit, ang kaibahan lang ay hindi niya alam na isa siyang kerida. Nang malaman ni Carly na may asawa na ang boyfriend nitong si Mark King (Nikolaj Coster-Waldau) ay agad niya itong nilayuan. Tapos na dapat ang lahat ng ugnayan nilang dalawa nang biglang magpakita sa harap niya si Kate King (Leslie Mann), ang asawa ni Mark upang kumpirmahin ang kaniyang hinala kung siya nga ang kabit ng kaniyang asawa. Nang mapatunayang si Carly nga ay kabit ni Mark, imbis na magalit ay kinaibigan pa ni Kate si Carly. Naging close ang dalawa hanggang sa maisipan nilang maghiganti sa ginawang panloloko sa kanila ni Mark. Ang hindi nila alam, may isa pang babae si Mark... si Amber (Kate Upton) na mas bata at mas sexy sa kanila.
Ginawang bobo ang isang attorney, ginawang weirdo ang isang housewife at sinamahan pa ng walang common sense na modelo, kahit ganoon na kababa ang mga bida rito ay hindi parin nila nakayang magpatawa ng matino. Ayos na sana ang kuwento, hindi nga lang maganda ang pagkakagawa. At hindi na nga maganda ang pagkakagawa, hindi pa ito nadala ng mga bidang artista. Si Nicki Minaj palang ay panira na sa pelikula, mabuti na lang at maganda si Kate Upton.
© 20th Century Fox, LBI Productions
No comments:
Post a Comment