Search a Movie

Friday, May 8, 2015

The Silence of the Lambs (1991)

8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆

Starring: Jodie Foster, Anthony Hopkins
Genre: Drama, Thriller
Runtime: 1 hour, 58 minutes

Director: Jonathan Demme
Writer: Ted Tally, Thomas Harris (novel)
Production: Strong Heart/Demme Production, Orion Pictures
Country: USA


May mga pelikulang maganda at masarap ulit-ulitin at may mga pelikula namang tulad ng The Silence of the Lambs, maganda ngunit sa pagtagal ay unti-unti ring mawawala sa iyong memorya at saka mo na lang uulitin kapag hindi mo na maalala ang istorya. Pangalawang pagkakataon ko nang mapanood ang palabas na ito at inaamin kong kaya ko ito pinanood ulit dahil alam kong maganda ito hindi ko na nga lang maalala ang kabuuan ng pelikula.

Ito ay kuwento ng isang FBI cadet, si Clarice Starling (Jodie Foster) na binigyan ng isang espesyal na misyon, ang kapanayamin ang nakakulong si Dr. Hannibal Lecter (Anthony Hopkins) na dating psychiatrist at isang serial killer na kumakain ng parte ng tao. Ang misyon na ito ang maaaring makapagbigay ng importanteng imposmasyon tungkol sa isang serial killer na pinangalanang "Buffalo Bill" na ang libangan ay ang balatan ng buhay ang mga kababaihan. 

Sa parte ko, hindi ko ito maiko-konsider bilang horror dahil hindi naman ako natakot o nakakita ng eksenang nakakatakot. Nakakakaba oo, maraming eksenang kakabog ang dibdib mo tulad nang pasukin ni Clarice ang bahay ng isang serial killer o tuwing ini-interview niya si Lecter.

Hands down ako kay Hopkins, siya ang bumida sa pelikula kahit na konti lang ang screen time niya. Ramdam na ramdam ang sinister vibe ng kaniyang karakter. Siya yung tipong alam mong masama pero handa kang kumampi sa kaniya anumang oras. Kay Foster naman, maayos ang portrayal niya bilang baguhang FBI na kahit medyo stereotyped ay katanggap-tanggap parin naman.

Nakulangan lang ako sa climax ng pelikula, sa parte ng paghuli kay Buffalo Bill. Nandun na yung thrill at excitement pero naghanap ako ng kaunting aksyon dahil crime movie din naman ito kahit papano. Nabilisan lang ako sa parteng iyon pero sa kabuuan, ganun parin ang tingin ko sa pelikulang ito katulad nang una ko itong mapanood, hindi ko man ito maisasama sa top list ko pero masasabi kong maganda at hindi ka madidismaya sa panonood nito.


© Strong Heart/Demme Production, Orion Pictures

No comments:

Post a Comment