Search a Movie

Tuesday, June 2, 2015

Toy Story (1995)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Tom Hanks, Tim Allen
Genre: Animation, Adventure, Comedy
Runtime: 1 hour, 21 minutes

Director: John Lasseter
Writer: John Lasseter, Pete Docter, Andrew Stanton, Joe Ranft, Joss Whedon, Joel Cohen, Alec Sokolow
Production: Pixar Animation Studios, Walt Disney Pictures
Country: USA


Sa mundo kung saan ang mga laruan ay may sariling buhay, si  Woody (Tom Hanks) na isang pullstring cowboy na laruan ay ang kinikilalang lider ng mga laruang pag-aari ng batang si Andy Davis (John Morris). Isang linggo bago ang paglipat nila ng tahanan ay maagang nag-celebrate ng kaniyang kaarawan si Andy kung saan nakatanggap ito ng isang spaceman action figure, si Buzz Lightyear (Tim Allen) na mas bago at mas maraming kayang gawin kumpara sa laruang si Woody. 

Hindi nagtagal ay napansin ni Woody na unti-unti na siyang pinapalitan ni Buzz sa kaniyang puwesto mula sa pagiging paboritong lauran ni Andy hanggang sa pagiging malapit nito sa iba pang laruan. Dahil dito ay nakaramdam ng selos si Woody at tinangka niyang ikulong si Buzz sa likod ng isang lamesa ngunit imbis na mahulog sa likod ng lamesa ay sa bintana nahulog si Buzz. Nadismaya ang ibang laruan sa inasal ni Woody at bago pa man sila masira at mapasakamay ng ibang bata ay kinakailangang maibalik ni Woody si Buzz kay Andy upang sa gayon ay maibalik na rin niya ang tiwala sa kaniya ng kaniyang mga kasamahan.

Bilang isa sa mga kinikilalang pinaka magandang animated films na nagawa, mataas ang ekspektasyon ko sa pelikulang ito. Hindi ko inaasahang simple lang pala ang kuwento na iikot sa pagiging insecure at seloso ng isang laruan. Maraming aral ang mapupulot dito sa pelikula lalung-lalo na tungkol sa pagkakaibigan at sa pagtanggap sa mga pagbabagong nangyayari sa ating buhay.

Visually ay malakas ang appeal ng Toy Story dahil sa mga makukulay na laruan na sigurado akong meron ka rin nung ika'y bata pa. Pagdating sa kuwento, maayos naman at masarap itong panoorin. Maganda yung concept ng laruang may buhay, nabibigyan nito ng importansya ang mga bagay na hindi napapansin lalo na sa mundo ng isang bata at maaari rin itong i-relate sa mundo ng matatanda.

Nag-expect lang talaga ako ng mas magandang palabas dahil na rin siguro sa hype pero maaaring mag-iba ang pananaw ko kapag napanood ko na ang buong trilogy nito.


© Pixar Animation Studios, Walt Disney Pictures

No comments:

Post a Comment