7 out of 10 stars
★★★★★★★☆☆☆
Starring: Angelica Panganiban, Assunta de Rossi, Angeline Quinto
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 100 minutes
Director: Antoinette Jadaone
Writer: Antoinette Jadaone, Chris Martinez
Production: Quantum Films, Skylight Films, Star Cinema
Country: Philippines
Tatlong kuwento ng tatlong babae na iikot sa isang produktong pampaganda - ang Beauty in a Bottle na ang layunin ay ibalik ang dating ganda na nawala. Si Vilma Ledesma (Assunta de Rossi) ay isa sa mga maaasahan pagdating sa advertising ngunit dahil sa kaniyang edad ay nanganganib ang bagong proyekto nito, ang Beauty in a Bottle, na mapunta sa mas bata at bagong empleyado ng kanilang agency.
Sa kabilang banda, si Estelle Suarez (Angelica Panganiban) naman ay isang artista na paboritong siraan ng madla dahil sa pagiging malusog nito. Sinubukan niyang mag-audition para maging endorser ng Beauty in a Bottle ngunit hindi natanggap dahil sa kaniyang katawan.
Ang pangatlong babae ay si Judith Madamba (Angeline Quinto) na ang problema naman sa buhay ang pagkakaroon ng hindi kagandahang mukha. Siya ang susubok sa bagong produkto na Beauty in a Bottle ngunit dahil sa kaniyang insecurity na nagsimula sa kanilang tahanan ay masisira ang relasyon nila ng kaniyang boyfriend na si Pocholo (Tom Rodriguez).
Ang pelikula ay tungkol sa iba't-ibang insecurities ng mga kababaihan: ang pagkakaroon ng edad, ang pagiging mataba at pagiging pangit. Maganda ang mensaheng nais nitong iparating lalo na para sa mga taong nakasalalay ang kagandahan sa mga pills. Ang nagustuhan ko rito ay ang pagpuna nila sa mga produkto ng pampaganda at nakakamanghang ginamit pa nila ang kumpanya ni Vicky Belo para rito.
Pagdating sa tatlong bida, sa kanilang lahat ay si Panganiban at ang parte nito ang pinaka nagustuhan ko sa pelikula. Kayang-kaya niyang magpatawa at nagampanan niya ng maayos ang kaniyang role ng hindi OA o nagiging corny. Hindi naman masyadong nababagay kay de Rossi ang napuntang role para sa kaniya, masyado siyang plain sa role niya at hindi niya ito naiangat kumpara sa dalawa pang karakter. Ang segment niya ang pinaka mahina para sa akin. Si Quinto naman, masyado siyang trying hard. May ilang eksena siya na pasok naman ang pagpapatawa ngunit karamihan sa mga ginagawa niya ay hindi ko ma-appreciate dahil exaggerated masyado at halatang hindi pa hasa ang kaniyang acting skills.
Unti-unti na talagang nakikilala si Antoinette Jadaone sa pagsulat at paggawa ng magagandang pelikula at tuwing nakikita ko ang pangalan niya sa isang pelikula ay automatic ko na itong isasama sa aking listahan.
No comments:
Post a Comment