6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Liam Neeson, Forest Whitaker, Maggie Grace
Genre: Action, Crime, Thriller
Runtime: 1 hour, 48 minutes
Director: Olivier Megaton
Writer: Luc Besson, Robert Mark Kamen
Production: EuropaCorp, M6 Films, Canal +, Ciné+
Country: France
Sa unang pelikula, ang anak ang kinuha, maganda, maaksyon at masarap panoorin. Sa pangalawang pelikula, ang asawa naman ang nawala, dahil maganda naman ang nauna pwede nang palampasin itong pangalawa pero sinong mag-aakalang may pangatlo pa pala?
Kung iisipin, parang mahirap nang seryosohin kung sa pangatlong pagkakataon ay may mawawala na naman sa pamilya ng ating bidang si Bryan Mills (Liam Neeson). Noong una ko itong nabalitaan, gusto kong matawa. Na naman? Uulitin na naman ang parehong kuwento? Sino naman ngayon ang kukunin ng kalaban?
Sa pagkakataong ito, iba ang tinahak na landas nitong ikatlong pelikula ni Neeson. Sa ngayon, walang maki-kidnap, walang kukunin ng kalaban at walang ililigtas si Bryan kundi ang sarili lang niya. Iba ang kuwento nito kaysa sa naunang dalawa pero hindi na rin bago ang napili nilang storyline kung saan masi-set up si Bryan sa isang murder na hindi naman niya ginawa. Maraming pelikula na ang nakagawa ng ganitong palabas kung saan iikot ang buong kuwento sa kung papaano papatunayan ng bida na inosente siya.

Ngayong nasa wanted list na si Bryan ay kinakailangan niya ngayong hanapin kung sino ang taong nasa likod sa pagpatay na ibinibintang sa kaniya upang malinis ang pangalan. Kasabay no'n ay kailangan din niyang masiguro ang kaligtasan ng kaniyang anak na si Kim (Maggie Grace).
Katulad ng inaasahan sa pelikulang pinagbibidahan ng isang Liam Neeson, puno parin ito ng aksyon ngunit halos lahat ng action sequence ay magulo ang bawat shots kaya hindi mo tuloy ma-enjoy ang pinapanood mo. Pagdating sa kuwento, predictable na ang bawat galaw at wala ka nang makikitang bago mula sa simula hanggang sa dulo dahil maaaring nakita mo na ito sa ibang palabas. Maging ang twist ay inaasahan ko na rin dahil masyado namang halata ang pagtatanim nila ng kuwento.
May ilang eksena ang mahirap paniwalaan at hindi na nagsubok pa ang direktor na patunayang posible ang mga nangyayari sa kaniyang pelikula sa tunay na buhay katulad na lang ng pagkahulog ni Bryan sa elevator at sa bangin. May ilang pagkakataon ding mapapa-WTF ka na lang sa nangyayari sa iyong screen dahil mukhang mas marami pang mapapatay na tao ang ating bida na ironically ay kinakailangan niyang patunayan ang pagiging insoente niya mula sa isang murder na hindi naman niya nagawa.
Isa itong Taken 3 sa mga pelikula na papanoorin mo dahil parte siya ng trilogy at dahil si Liam Neeson ang bida at maganda naman ang action scenes kahit papaano pero sana huwag na nilang maisip pa na sundan ito ng pang-apat.
© EuropaCorp, M6 Films, Canal +, Ciné+
No comments:
Post a Comment