Genre: Action, Adventure, Fantasy
Runtime: 142 minutes
Director: Marc Webb
Writer: Alex Kurtzman, Roberto Orci, Jeff Pinkner, James Vanderbilt,
Stan Lee (comics), Steve Ditko (comics)
Production: Marvel Entertainment, Avi Arad Productions, Columbia
Pictures, Matt Tolmach Productions
Ito ang sequel sa reboot ng Spider-Man franchise kung saan binigyan ng panibagong mukha ang ating paboritong superhero. Sa pagkakataong ito ay tuluyan nang inako ni Peter Parker (Andrew Garfield) ang pagiging tagapagligtas sa katauhan ni Spider-Man. Ang kaakibat ng responsibilidad na ito ay ang kaligtasan ng kaniyang mga mahal sa buhay kaya naisipan ni Peter na humiwalay muna sa girlfriend nitong si Gwen Stacy (Emma Stone) para sa kaligtasan nito.
Sa kabilang banda, si Max Dillon (Jamie Foxx) ay isang electrical engineer na kasalukuyang nagtatrabaho sa OsCorp Industries. Isa siyang "nobody", walang kasama sa buhay, walang kaibigan at ni walang nakakaalala ng kaniyang pangalan. Nang minsang iligtas siya ni Spider-Man sa isang gulo ay nagkaroon agad siya ng obsession para sa naturang tagapagligtas. Ngunit biglang naiba ang buhay ni Max nang aksidente siyang mahulog sa tanke na naglalamang ng genetically modified na mga igat. Itinago ng OsCorp ang pagkamatay nito ngunit ang hindi nila alam, isang bagong kalaban ang nabuo dahil sa pangyayaring ito.
Una sa lahat, sobrang babaw ng pinanggagalingan ng poot at galit ni Electro/Max upang maging kontrabida. Nakakawalang-ganang manood kapag simpleng hindi pagkakaintindihan lang ang dahilan ng lahat. Wala masyadong ipinakitang kuwento tungkol sa pagkatao ni Max kaya mahirap intindihin kung anong dahilan ng mga pinaggagagawa niya matapos siyang magkaroon ng superpowers.
Pangalawa, okay sa akin ang naunang pelikula ngunit itong sequel napansin kong masyadong trying hard si Andrew Garfield na maging cool superhero at may puntong parang arogante na ang labas ng character niya lalo na sa pakitang gilas niya sa simula, para siyang nasobrahan ng angas.
Kung ang visual effects ang pag-uusapan, walang problema dito. Maayos ang pagkakalapat ng mga effects, maging ang mga fight scenes ay maganda rin. Sa kuwento lang talaga medyo nagkulang at kay Garfield na medyo nasobrahan naman, pero bumawi naman siya sa magandang chemistry nila ni Emma Stone.
Magaling din si Dane DeHaan bilang kontrabida, bumagay sa kaniya ang role na Green Goblin sayang lang at hindi na natin makikita pa ang mga susunod niyang plano dahil balita ko'y ire-reboot na naman nila ang buong franchise. Mabuti na lang at nabigyan pa ng chance na ipakilala sa madla si Gwen Stacy.

No comments:
Post a Comment