Search a Movie

Saturday, May 19, 2018

She's the One (2013)

Poster courtesy of Bida Kapamilya
© Star Cinema
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Enrique Gil
Genre: Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 50 minutes

Director: Mae Cruz-Alviar
Writer: Vanessa Valdez, Roumella Niña Monge, Charlene Sawit-Esguerra
Production: Star Cinema, ABS-CBN Film Productions
Country: Philippines


Bata pa lamang ay matalik nang magkaibigan ang morning show host na si Wacky (Dingdong Dantes) at si Cat (Bea Alonzo), kaya naman hindi na nakapagtataka kung mahulog man ang loob ni Cat sa kaibigan nito. Dahil dito ay nagkaroon ng away sa pagitan ng dalawa, kasunod ng awayang ito ay magkakatagpo naman ang landas nila Cat at David (Enrique Gil). Sa una nilang pagtatagpo ay masasaksihan ni David ang pag-aayos ni Cat sa kaniyang sirang sasakyan. Sa pagkakataong iyon ay agad na-inlove si David sa dalaga at palihim niya itong kinuhanan ng video.

Sa pag-asang malaman kung sino ang "Girl in the Rain" na kaniyang nasaksihan ay inupload ni David ang video sa internet. Nag-viral ang naturang video at nakuha nito ang atensyon ng palabas kung saan nagta-trabaho si Wacky. Walang ideya kung sino ang babae sa video ay tutulungang ni Wacky si David na hanapin ang girl in the rain.

Umaapaw ng chemistry sina Dingdong at Bea. Napaka-natural ng naging relasyon ng karakter nilang sina Wacks at Cat. Sa kabilang banda naman ay parang mag-ate lang sina Enrique at Bea. Masyadong baby-faced si Enrique kaya mahirap isipin na magkakatuluyan ang dalawa.

Maganda ang naging ikot ng istorya ng She's the One. Ang nagustuhan ko dito ay ang satisfaction na ibinibigay nito sa bawat tagpo dahil kung ano ang gusto o inaasahan mong mangyari ay siyang nasusunod na tila ba alam na alam ng mga writers ang tunatakbo sa isip ng mga manonood.

Ang isa pang nagustuhan ko dito ay maayos ang naging pagtrato nila sa karakter ni Enrique. Hindi nila ito siniraan o ginawang masama para lang magkaroon ng rason ang mga manonood na kamiphan ang main lead nito at mawalan ng dahilan si Cat upang siya ang piliin nito. Lahat ng artista sa palabas ay nagpamalas ng galing lalo na ang dalawang bida nitong sina Dingdong at Bea. Dalang-dala ka sa husay nila lalo na sa mga komprontasyon ng kanilang karakter.


No comments:

Post a Comment