Poster courtesy of IMP Awards © 20th Century Fox |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Kenneth Branagh, Tom Bateman, Penélope Cruz
Genre: Crime, Mystery
Runtime: 1 hour, 54 minutes
Director: Kenneth Branagh
Writer: Michael Green, Agatha Christie (novel)
Production: 20th Century Fox, Kinberg Genre, The Mark Gordon Company, Scott Free Productions, Latina Pictures, The Estate of Agatha Christie
Country: USA, Malta
Isang sikat na detective si Hercule Poirot (Kenneth Branagh). Habang sakay siya ng isang tren papunta sa London kung saan muling kinakailangan ang kaniyang galing upang lumutas sa isa na namang kaso ay makakatagpo nito ang businessman na si Edward Ratchett (Johnny Depp). Dahil sa mga death threats na natatanggap ay hihingin ni Ratchett ang tulong ni Poirot upang magsilbing bodyguard nito sa tatlong araw nilang biyahe ngunit hindi ito tinanggap ng naturang detective dahil hangad nito ang magpahinga. Nang gabing ding iyon ay pinatay si Ratchett sa pamamagitan ng pagsaksak sa kaniya ng ilang beses.
Bago pa man sila makarating sa kanilang destinasyon ay susubukang hanapin ni Poirot ang tao sa likod ng pagpaslang kay Ratchett. Ngunit sa pagresolba nito sa naturang kaso ay isang nakagigimbal na katotohanan ang kaniyang mapagtatanto.
Para sa isang pelikula na may maraming karakter, importante dito ang maayos na characterization lalo na kung ang tema ng palabas ay mystery, at isa sa mga karakter na ito ang puzzle piece na bubuo sa palabas. Iyon ang hindi nagawa ng Murder on the Orient Express. Magulo ang naging presentasyon nito sa mga karakter at bukod sa bida at ilang pamilyar na mukha ay mahihirapan kang kilalanin kung sino ang karakter na nakikita mo sa screen.
Ang tanging nagustuhan ko lang sa palabas ay ang pagiging pranka ng bidang si Poirot. Fascinating ang kaniyang naging karakter na siya na ring nagsilbing humor ng pelikula. Ngunit gayunpaman ay nakulangan ako sa hype na ibinigay sa kaniya ng palabas. Oo nga't siya ang pinakamatalino at pinakamagaling na detective ngunit hindi ko ito naramdaman. Hindi ako humanga sa naging proseso ng kaniyang imbestigasyon. Hindi ka mapapa-wow o anuman sa bawat galaw nito. Saka ka na lang mapapanganga sa pagdating ng hindi inaasahang twist ng kaniyang imbestigasyon. Ito ay kung hindi mo pa napapanood ang original adaptation nito o nababasa ang libro kung saan ito ibinase.
Hindi mo mararamdaman ang mystery element ng pelikula dahil may pagka-boring ang pacing ng bawat tagpo. Ni walang clue na ipinamahagi para sa mga manonood kaya naman sa dami ng karakter ay mahihirapan kang magbigay ng suspetya sa kung sino ang gumawa sa pagpatay.
At dahil mahirap kumonekta sa mga karakter dahil sa kinulang nitong characterization ay hindi mo rin ramdam ang naging backstory na inihanda para sa palabas. Sa simula ay mabagal ang naging usad ng kuwento at pagdating sa dulo ay tila bigla itong minadali kaya naman wala ka nang oras upang damdamin ang mga katotohanang inilahad ng istorya.
Ang naging saving grace na lang talaga ng palabas ay ang magandang twist nito at ang maayos na cinematography sa kabila ng ilang halatang CGI background.
No comments:
Post a Comment