Search a Movie

Sunday, May 13, 2018

All of You (2017)

Poster courtesy of My Movie World
© Quantum Films
8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆

Starring: Jennylyn Mercado, Derek Ramsay
Genre: Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 43 minutes

Director: Dan Villegas
Writer: Dan Villegas, Paul Sta. Ana, Carl Chavez, Melissa Mae Chua
Production: MJM Productions, Quantum Films, Globe Studios
Country: Philippines


Sina Gabby (Jennylyn Mercado) at Gab (Derek Ramsay), parehong Pinoy na nagkakilala sa ibang bansa gamit ang isang mobile dating app. Nagkita, nagkamabutihan at naging magkasintahan. Nagkaroon sila ng masayang simula at puno ng pangarap para sa isa't-isa. Ngunit sa pagtagal ng kanilang relasyon bilang magkasintahan at simula nang tumira sila sa iisang bubong ay unti-unting nagkaroon ng lamat ang kanilang pagsasama. Nakaramdam ng pananakal si Gab mula kay Gabby samantalang nagsimula namang maging malamig si Gab kay Gabby dahil sa problema nito sa kaniyang negosyo.

Dahil sa sunod-sunod na hindi pagkakaintindihan, napaisip ang dalawa kung itutuloy pa ba nila ang nasimulang pagsasama sa kabila ng kanilang estado o ititigil na ba nila ang pagmamahalang dahan-dahang sumisira sa kanilang pagkatao.

Sa mga karaniwang romantic movies, nakikita natin kung papaano nagtatagpo at nagkakamabutihan ang dalawang nag-iibigan. Dito sa All of You, ipapakita ng pelikula ang mga nangyayari o maaaring mangyari sa isang relasyon pagkatapos ng "kuwento" sa mga napapanood nating romantic movies. 

Ito ang romantic story na very close sa reality dahil lahat ng mga pangyayari sa naturang pelikula ay nagaganap sa tunay na buhay. Ang mga naging problema nila Gab at Gabby ay nagiging problema ng mga tunay na magkasintahan. Mga rason na mababaw sa ilan ngunit malaki ang dulot sa isang relasyon. Wala kang makikitang karibal, walang biyenan na kontra sa bida, walang mga overrated na pakilig o anumang pakulo na nakasanay nating napapanood sa mga mainstream romance. Ang All of You ay straight to the point at tatagos sa puso ng kung sinuman ang makakarelate dito.

Ang magandang kuwento ng pelikula ay sinangkapan ng magaling na pag-arte nila Mercado at Ramsay. Madadala ka sa sakit na ipadadama sa'yo ng dalawang bida na kahit hindi mo pa nararanasan ang kanilang kinasasadlakan ay madarama mo parin ang bigat ng sitwasyon. Hindi ito ang tipikal na kuwentong pag-ibig na naglalarawan sa mga fantasized love life ng karamihan. Bagkus ay ito ang sumasalamin sa mga relasyon na nawui sa hindi magandang konklusyon. 


No comments:

Post a Comment