Poster courtesy of IMP Awards © Searchlight Pictures |
★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Frances McDormand, Woody Harrelson, Sam Rockwell
Genre: Crime, Drama
Runtime: 1 hour, 55 minutes
Director: Martin McDonagh
Writer: Martin McDonagh
Production: Blueprint Pictures, Film 4, Fox Searchlight Pictures
Country: United Kingdom, USA
Hustisya ang sigaw ng inang si Mildred Hayes (Frances McDormand) matapos paslangin at halayin ang dalaga nitong anak. Ngunit pitong buwan na ang lumipas at hanggang ngayon ay wala paring nagagawa ang pamunuan ng pulisya na pinangungunahan ni Bill Willoughby (Woody Harrelson). Upang marinig ang kaniyang hinaing ay nirentahan ni Mildred ang tatlong bakanteng billboard sa kanilang bayan at nilagyan ito ng mga katagang "RAPED WHILE DYING", "STILL NO ARRESTS?" at "HOW COME, CHIEF WILLOUGHBY?"
Dahil sa naturang billboard, imbis na makakuha ng simpatya mula sa mga tao ay lalong nagalit ang mga ito kay Mildred lalo na nang mapag-alaman nila si Willoughby ay may taning na ang buhay dahil sa sakit na pancreatic cancer. Ngunit hindi ito naging dahilan upang tumigil si Mildred sa paghahanap sa hustisya sa pagkamatay ng kaniyang anak at gagawin niya ang lahat makuha lang ito.
Broken, guilty at puno ng pagdadalamhati, ito ang mga ipinadama ng karakter ni McDorman na nagapanan niyang mabuti. Nagustuhan ko ang ginawa nila sa karakter ng bida na hindi siya buong-pusong mabait. Ipinakita dito ang pagkakaroon niya ng masamang ugali na siya naman talagang human nature. Dahil dito ay naging mas totoo ang karakter nito.
Hindi lang si McDorman ang mayroong magandang pagkakasulat sa karakter nito kundi maging ang iba pang bida sa palabas. Walang sino man sa kanila ang purong kontrabida, may mga pagkakataong makukuha nila ang iyong simpatya ngunit may mga eksena ring kaiinisan mo ang mga pinaggagagawa nila. Lahat sila ay parehong bida at kontrabida sa kaniya-kaniyang ugali at representasyon ng palabas.
Kung sa pag-arte ang pag-uusapan, rebelasyon dito si McDorman at Sam Rockwell na parehong nagpamalas ng award-worthy na performance. Hindi mo aasahan ang mga naging takbo ng kanilang karakter at sinuportahan nila ito ng kanilang galing sa pagbibigay buhay sa kanilang karakter.
Napaka-tragic ng naging kuwento ng Three Billboards Outside Ebbing, Missouri. Dark din ang naging approach ng director sa kaniyang pelikula na kapag tinawanan mo ang ipinakitang humor nito ay tila pupunta ka na sa impyerno. Kapani-paniwala rin ang naging katapusan ng palabas dahil ipinakita nila dito ang hirap sa paghahanap ng hustisya at ang pinagdaraanan ng parehong biktima at ng mga taong nasa likod ng paglutas sa isang murder case.
Maganda ang naging casting ng palabas, maayos ang pagkakalapat ng kuwento at maganda rin ang paggamit ng country music bilang musical scoring nito. Sumasabay ito sa tema ng palabas na madrama na hinaluan ng kaunting dark humor.

No comments:
Post a Comment