Search a Movie

Saturday, May 12, 2018

Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever is Not Enough (2016)

Poster courtesy of Agimat
© Quantum Films
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Eugene Domingo, Kean Cipriano, Cai Cortez
Genre: Comedy
Runtime: 1 hour, 30 minutes

Director: Marlon Rivera
Writer: Chris Martinez
Production: Quantum Films
Country: Philippines


Matapos magkatrabaho sa indie film na "Walang Wala" ay muling nagmungkahi ng bagong konsepto ng pelikula ang direktor na si Rainier de la Cuesta (Kean Cipriano) sa aktres na si Eugene Domingo. Tungkol ito sa mag-asawang may lamat na ang relasyon na parehong binalikan ang dating lokasyon ng kanilang honeymoon sa pag-asang maisalba pa ang kanilang pagsasama. Nagustuhan ni Eugene ang kuwento ng bago nitong pelikula ngunit may ilang suhestyon ito na gustong palitan sa naturang palabas. Dito na magsisimula ang katakut-takot na revision sa pelikulang sana'y may realistic approach ngunit napalitan ng cliché na Pinoy rom-com formula.

Sa pamamagitan ng pelikulang ito ay muling naipakita ni Domingo ang kaniyang versatility sa pagbibigay buhay ng kaniyang fictionalized na sarili. Kung sa nauna niyang palabas, mainstream media ang tinira ng kanilang satirical movie, dito sa sequel ay hindi naman nakaligtas ang industriya ng indie films. Low-key lang ang humor nito at hindi exaggerated at overacted. Kaya naman kahit purong dialogue lang ang mapapanood sa pelikula ay hindi ka mabuburyo dahil makaka-relate ka sausapan ng mga bida. 

Natuwa ako sa pasimple nilang pagtira hindi lang sa mga stereotyped na indie movies kundi maging sa mga moviegoers. Dahil sa pelikulang ito ay naipamukha sa atin kung anong tipo ng manonood ang mga Pinoy. Kung hanggang saan aabot ang taste ng nakakarami at kung ano ang ginagawa ng mga tao sa likod ng isang pelikula makuha lang ang kiliti ng masa.

Bilang isang pangunahing karakter, nagampanan ng maayos ni Domingo ang kaniyang role. Siya ang nagbigay buhay, kulay at timpla sa pelikula. Hindi naman nakasabay si Cipriano sa bida nito, maraming kulang at halatang hindi pa ganoon kasapat ang kaniyang galing lalo na't siya ang ginawang secondary character sa isang Eugene Domingo.


No comments:

Post a Comment