Search a Movie

Tuesday, May 15, 2018

Everest (2015)

Poster courtesy of IMP Awards
© Universal Pictures
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Jason Clarke, Jake Gyllenhaal, Josh Brolin
Genre: Biography, Drama
Runtime: 2 hours, 1 minute

Director: Baltasar Kormákur
Writer: William Nicholson, Simon Beaufoy, Beck Weathers (book)
Production: Working Title Films, RVK Studios, Walden Media, Universal Pictures, Cross Creek Pictures
Country: United Kingdom, USA


Dalawang grupo ng mountain climbers ang nagsubok na akyatin ang tutok ng pinakamataas na bundok sa mundo, ang Mount Everest. Ang dalawang grupo na ito ay pinangunahan nila Rob Hall (Jason Clarke) mula sa New Zealand expedition at Scott Fischer (Jake Gyllenhaal) na lider naman ng American expedition. Kasama ang ilang amateur mountain climbers ay sama-sama nilang inakyat ang naturang bundok, walang kaalam-alam sa paparating na panganib.

Naging matagumpay man ang naging pag-akyat ng dalawang grupo sa Mount Everest, ngunit ang hindi nila alam ay isang delubyo naman ang kanilang kakaharapin sa kanilang pagbaba nang isang bagyo ang hindi nila inaasahang sumalubong sa kanila. Upang makababa ng ligtas, kinakailangan ng grupong labanan ang lamig at kawalan ng oxygen, bukod dito ay ang lakas ng sakunang susubok sa kanilang tatag.

Sa dami ng karakter sa naturang palabas ay nahirapan akong mag-concentrate sa kuwneto nito. Wala akong nakitang elemento na maaaring kapitan ng manonood upang ipagpatuloy ang pelikula kapag sila'y inabutan na ng pagkaburyo. Mahirap man ang naging karanasan ng mga bida sa pag-akyat ng bundok ay hindi mo dama ang struggle nila kaya naman hindi ko rin nadamayan ang saya ng mga karakter nang makamit nila ang kanilang layunin.

Gayunpaman, maganda na hindi nila ginawang dramatic ang mga eksena upang malapit parin ito sa realidad. Nakabawi ang palabas nang papalapit na ito sa climax. Dahil sa puntong ito ay pamilyar ka na sa mga karakter kaya unti-unti ka nang magkakaroon ng concern dito hanggang sa tututukan mo na sila mula sa climax ng palabas hanggang sa katapusan. 

Mabagal ang naging simula ngunit bumawi naman ito sa kalagitnaan. Natagalan ako bago naka-relate sa mga bida ngunit mapapaluha ka parin sa kanilang kinahinatnan lalo na't ang kuwento nito ay base sa tunay na pangyayari.


No comments:

Post a Comment