Search a Movie

Sunday, May 20, 2018

The Avengers (2012)

Poster courtesy of IMP Awards
© Marvel Studios
8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆

Starring: Robert Downey Jr., Chris Evans, Mark Ruffalo, Chris Hemsworth, Scarlett Johansson, Jeremy Renner
Genre: Action, Fantasy, Sci-Fi
Runtime: 2 hours, 23 minutes

Director: Joss Whedon
Writer: Joss Whedon, Zak Penn, Stan Lee (comics), Jack Kirby (comics)
Production: Marvel Studios, Paramount Pictures
Country: USA


Sa pagtatangkang pagsakop ni Loki (Tom Hiddleston) sa buong mundo ay isang solusyon lang ang naisip ng lider ng S.H.I.E.L.D. na si Nick Fury (Samuel L. Jackson) at ito ay ang lipunin ang ilan sa pinakamalalakas na superhero sa mundo at lumaban bilang isang grupo.

Ang mga nakasama sa grupo, na pinangalanang The Avengers, ay ang dalawang agent mula sa S.H.I.E.L.D. na sina Black Widow (Scarlett Johansson) at Hawkeye (Jeremy Renner). Ang bilyonaryong si Iron Man (Robert Downey Jr.), ang duktor na si Incredible Hulk (Mark Ruffalo), si Captain America (Chris Evans) at ang mismong kapatid ni Loki na si Thor (Chris Hemsworth). Sa kanilang pagsasama-sama ay masusubok ang kanilang abilidad bilang isang grupo sa paglaban sa kampon ni Loki.

Isang crossover movie kung saan pinagsama-sama ang mga sikat na superheroes ng Marvel. Isa na siguro ito sa pinaka-cool na nangyari sa big screen sa taong 2012. Nag-complement ang bawat karakter sa palabas. Nakakatawa ang humor nito na karamihan ay deadpan mula kay Iron Man.

Visually ay pinaghandaan talaga ang The Avengers. Mapapahanga ka sa transformation ni Ruffalo mula sa pagiging Dr. Bruce Banner hanggang sa maging Hulk. Maging ang suit ni Iron Man ay punong-puno ng ka-astigan. Magaganda rin ang action sequences ng pelikula lalo na sa naging tapatan nila Thor at Hulk, mula sa labanan nila Thor at Iron Man at maging ang aksyong ipinamalas nila Black Widow at Hawkeye.

Magaling ang pagkakasulat sa bawat Avenger. Sinigurado nilang ang bawat isa ay may sariling pagkakakilanlan sa pelikula. Walang lamangan at lahat sila ay nabigyan ng kaniya-kaniyang shining moment.

Ambitious na maituturing ang naturang pelikula dahil sa mga naglalakihang pangalang nakasama rito bukod doon ay dala-dala pa nila ang ilan nang iconic na pangalan hindi lang sa big screen kundi maging sa comics. Ngunit hindi sila nandismaya sa palabas dahil kitang-kita ang paghahandang ginawa nila dito. Hindi ito tinipid at binigyan nila ito ng maayos na trato. Action-packed, humorous at level-up ang buong pelikula. Hindi ito puro hype lang dahil tunay na mayroon itong ibubuga.


No comments:

Post a Comment