Poster courtesy of IMP Awards © Fox Searchlight Pictures |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Sally Hawkins, Michael Shannon, Doug Jones
Genre: Drama, Fantasy, Romance
Runtime: 2 hours, 3 minutes
Director: Guillermo del Toro
Writer: Guillermo del Toro, Vanessa Taylor
Production: Bull Productions, Double Dare You, Fox Searchlight Pictures, TSG Entertainment
Country: USA
Pipi at mag-isa na lang sa buhay si Elisa Esposito (Sally Hawkins) na ang trabaho'y tagalinis sa isang tagong government laboratory. Sa laboratory na ito niya makakadaupang-palad ang isang kakaibang nilalang na nahuli ni Colonel Richard Strickland (Michael Shannon) sa isang ilog sa South America. Si Strickland ang itinalaga upang pag-aralan ang naturang nilalang at upang mapag-aralan ito ay kinakailangan ng naturang nilalang na sumailalim sa vivisection.
Nang mapag-alaman ni Elisa ang plano nila sa kakaibang nilalang ay nagbalak siyang itakas ito sa tulong ng kaniyang mga kaibigan at katrabaho.
Sobrang weird ng naging kuwento ng pelikulang ito. Gusto kong kiligin ngunit hindi maalis sa isip ko ang makaramdam ng ka-wirduhan sa naging takbo ng The Shape of Water. O baka isa lang ako sa mga taong sarado ang utak at hindi makaintindi sa menshae na nais iparating ng palabas kung saan ang pag-ibig ay hindi nasusukat sa anyo, hitsura o maging pagkatao ng isang nilalang.
Magaling ang buong cast, mula kay Hawkins na nagpakita ng galing sa kabila ng kawalan ng dialogue ng kaniyang karakter. Hanggang kay Shannon na tindig pa lamang ay nagsusumigaw na ng pagiging kontrabida. Maganda rin ang naging anyo ng "asset" o ang nilalang na pinagi-eksperimentuhan at kung kanino nahulog ang loob ng bida. Gayunpaman ay dito na pumapasok ang pagka-weird ng palabas. Dahil naiparamdam ng pelikula sa manonood kung ano ang nakita ni Elisa sa naturang nilalang at kung bakit nahulog ang loob nito dito. Na maging ikaw na simpleng audience ay tila nagkaka-interes na rin sa nilalang na ito. Ngunit kasabay nito ay ang ilang katanungang papasok sa isipan katulad ng paano sila nagtalik? Na kung iisipin mo ay mandidiri ka.
Maganda ang naging premise ng pelikula kung saan babae naman ngayon ang nagsalba sa kaniyang minamahal. Magaling din ang buong cast at maganda ang pagkakasulat sa bawat karakter. Iyon nga lang ay hindi tatagos sa puso ang naging istorya nito at agad kang makaka-move on pagkatapos ng palabas. Wala itong iiwan sa mga manonood kundi ang ilang trivial na katanungan at ang kuryosidad sa kakaibang pag-iibigan na nabuo dito.
No comments:
Post a Comment