Search a Movie

Friday, May 11, 2018

The Cure (1995)

Poster courtesy of IMP Awards
© Universal Pictures
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Brad Renfro, Joseph Mazzello
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 37 minutes

Director: Peter Horton
Writer: Robert Kuhn
Production: Universal Pictures, Island World
Country: USA


Isang bata ang iniiwasan sa bayan ng Stillwater sa Minnesota. Si Dexter (Joseph Mazzello), isang labing-isang taong gulang na bata na nakakuha ng HIV matapos itong sumailalim sa blood transfusion. Makikilala nito ang kapitbahay nilang si Erik (Brad Renfro), labing-tatlong taong gulang. Magiging matalik na magkaibigan ang dalawa ngunit dahil sa sakit ni Dexter na AIDS ay susubukang paghiwalayin ng lipunan ang dalawa. Gayunpaman ay mas matibay ang pagkakaibigang nabuo sa pagitan ng dalawa at sa tulong ng kanilang pagiging inosente sa naturang sakit ay susubukan nilang hanapin ng lunas dito.

Ang purong kamusmusan ng mga bata ang mapapanood dito sa pelikula sa kabila ng mabigat nitong tema. Ibabalik ka nito sa maliit ngunit puno ng ambisyong mundo ng kabataan sa pamamagitan ng pagpapaalala sa iyo sa mga karanasang ginagagawa ng isang normal na bata. Ang kaibahan nga lang nito sa atin ay may dinadala na malalang problema ang mga bida rito sa pelikula at iyon nga ang sakit na AIDS.

Ipapasilip ng The Cure ang bagsik ng AIDS at kung ano ang dulot nito sa mga taong nasa paligid ng dumaranas sa naturang sakit. Naging malapit sa realidad naman ang naging portrayal ng pelikula sa sakit at maging ang mga karakter na nakapaligid dito. Magaling ang ipinamalas na pag-arte nila Mazzello at Renfro sa palabas. Naipadama nila ang pakiramdan ng pagkakaroon ng tunay na kaibigan at ang saya ng pagiging bata.

Gayunpaman ay dito lang iikot ang pelikula, sa pagkakaibigan ng dalawang bida. May ilang eksena itong tila fillers lang na kapag tumagal ay madali lang makalimutan. At dahil alam mo na ang kahihinatnan ng palabas ay medyo naging anti-climactic rin ang dulo nito. Ngunit kahit ganoon ay maganda ang ibinigay nitong mensahe at maaari itong magsilbing inspirasyon sa nakakarami.


No comments:

Post a Comment