Genre: Action, Drama, Thriller
Runtime: 111 minutes
Director: Daniel Petrie, Jr.
Writer: David Koepp, Daniel Petrie, Jr., William P. Kennedy (novel)
Production: Island World, TriStar Pictures
Country: USA
Upang matupad ang ninanais na paglaya sa kulungan ng kaniyang ama na isang drug kingpin ay ginawang hostage ng teroristang si Luis Cali (Andrew Divoff) ang buong Regis High School, ang paaralan ng mga binatang mula sa mayayamang pamilya at may kilalang magulang.
Sa paaralang ito nag-aaral ang magkakaibigang sina Billy Tepper (Sean Astin), Joey Trotta (Wil Wheaton), Jonathan Bradberry (Keith Coogan) at iba pa na kilala bilang mga pasaway at mahilig gumawa ng mga kabulastugan. Sa tulong ng mga awtoridad, sinubukang isahan ng kanilang grupo ang mga teroristang nambulabog sa kanilang paaralan sa pamamagitan ng mga gawain kung saan sila magaling... sa kalokohan.
Minsan nai-imagine ko din ang bumida sa isang hostage taking kung saan ako ang magiging tagapagligtas, ang hero of the day. Ganito ang Toy Soldiers, parang isang daydream na naging pelikula. Kuwento ng isang hostage taking kung saan ang mga bida na walang talento sa martial arts o kung anumang super powers ang naging tagapagligtas. Ang ginamit lang nila ay ang kanilang talino at liksi. Normal lang ang mga karakter dito na katulad nating mga simpleng nanonood kaya mapapa-isip na kung ikaw ang nasa sitwasyon nila ay kaya mo rin itong gawin kung nangyari ito sa tunay na buhay.
Hindi mahirap sundan ang mga sitwasyon dito at walang paliku-liko ang kuwento at magagawa parin nitong bihagin ang iyong atensyon sa pamamagitan ng mga karakter. Magaling ang mga batang aktor dito at iyon ang nagustuhan ko sa pelikula, sila ang aabangan mo, sila ang kakampihan mo. Isang pelikula na hindi ganoon kakumplikado ang istorya at puno ng mga karakter na tiyak mamahalin ng manonood.
No comments:
Post a Comment