Search a Movie

Thursday, June 4, 2015

This Is 40 (2012)

5 stars of 10
★★★★★ ☆☆

Starring: Paul Rudd, Leslie Mann
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 2 hours, 14 minutes

Director: Judd Apatow
Writer: Judd Apatow
Production: Apatow Productions
Country: USA


Isang stand-alone spin-off sequel ng pelikulang Knocked Up (2007) ang This is 40. Dahil isa itong stand-alone na pelikula ay maaari mo itong panoorin kahit na hindi mo pa napapanood ang naunang palabas katulad ng ginawa ko.

Ang pelikula ay tungkol sa buhay nila Pete (Paul Rudd) at Debbie (Leslie Mann) at sa mga problemang kinakaharap nila sa pagtuntong nila sa edad na kuwarenta. Si Debbie ay problemado sa pagtanda ng kaniyang katawan samantalang ang kaniyang negosyo naman ang problema ni Pete. Bukod doon, unti-unti na ring nagkakaroon ng lamat ang pagsasama ng dalawa at hindi pa kasama sa mga problemang ito ang problema ng mga anak nila. Maliban sa mga nabanggit ay may kaniya-kaniya ding dilemang kinakaharap sina Pete at Debbie sa kanilang sariling ama.

Habang nanonood ako, naisip ko na dapat ko muna yatang panoorin ang nauna nilang pelikula bago ko ito ituloy ngunit naniwala na lang ako sa pagiging stand-alone nito. Sa dami ng mga conflicts na ginawa para dito sa pelikula, hindi mo na masundan ang kuwento. Nagkabuhol-buhol ang mga subplots at magulo ang pagkakasunod-sunod. Masyado ring mahaba ang runtime nito at maraming dragging na eksena kaya nakakaburyo.

Ang maganda dito sa This Is 40 ay maraming makaka-relate sa kuwento lalo na sa mga manonood na may asawa na. Maaaring hindi pa ako maka-relate dito pero naiintindihan ko naman ang pinagdadaanan ng mga bida, iyon nga lang dahil sa pagiging comedy ng pelikulang ito ay lumalabas ang pagiging irrational at childish ng mga characters na talaga namang nakakainis. 


© Apatow Productions

No comments:

Post a Comment