Genre: Comedy
Runtime: 97 minutes
Director: Ben Falcone
Writer: Ben Falcone, Melissa McCarthy
Production: Gary Sanchez Productions, New Line Cinema
Country: USA
Nasiraan ng kotse, natanggal sa trabaho at natuklasan ang pangangaliwa ng kaniyang asawa, sirang-sira na ang araw ni Tammy Banks (Melissa McCarthy) at ang tanging solusyon na lang niya sa mga problemang ito ay magpakalayu-layo. Ngunit sa sitwasyon niya ngayon na walang pera, walang tirahan at walang sasakyan ay mapipilitan siyang isama ang kaniyang lolang si Pearl Balzen (Susan Sarandon), alcoholic at may sakit na diabetes ngunit may sariling pera't sasakyan.
Magkaiba man ng ugali at ng layunin, magsasama ang dalawa sa isang paglalakbay para sa pagtuklas ng kanilang sarili at pag-asam ng pangarap.
Magaling si McCarthy kung pagpapatawa ang pag-uusapan, hindi man lahat ngunit karamihan sa mga pelikula na kasama siya ay nagawa niya akong patawanin at ganoon parin siya dito sa Tammy. Iyon nga lang, kung ano ang karaniwang karakter niya sa ibang pelikula ay ganun parin dito, weirdo na puno ng kumpiyansa sa sarili sa kabila ng kaniyang hitsura at kalagayan at nakakatuwa parin naman ito sa para sa akin.
Magandang adisyon sa kanilang tandem si Sarandon. Siya ang nang-balanse sa pelikula upang magkaroon ito ng kaunting drama. May sarili din siyang bersyon ng pagpapatawa, hindi man kasing wild ng kay McCarthy pero sapat lang ito para sa karakter na kaniyang ginagampanan sa pelikula.
Maganda ang chemistry ng dalawa, may ilang biro lang na tila sumobra at hindi na nakakatuwa tulad ng mga "fat jokes" pero overall, nakaka-good vibes ang Tammy. Mata-touch ka sa kuwento ng mag-lola at nakagagaan ng loob pagkatapos mong manood.
No comments:
Post a Comment