3 out of 10 stars
★★★☆☆☆☆☆☆☆
Starring: Cameron Diaz, Jason Segel
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 94 minutes
Director: Jake Kasdan
Writer: Kate Angelo, Jason Segel, Nicholas Stoller
Production: Escape Artists, LStar Capital, Media Rights Capital, Sony
Pictures Entertainment
Country: USA
Matapos ang hindi gaanong kagandang The Other Woman (2014) ni Cameron Diaz ay panibagong fail movie na naman ang kaniyang pinagbidahan kung saan siya at si Jason Segel ay mag-asawang sina Annie at Jay Hargrove na adik na adik sa pagtatalik simula noong naging magsyota silang dalawa, hanggang sa dumating ang araw na hindi na kayang patayuin ni Jay ang paboritong parte ng kaniyang katawan.
Dahil dito, nakaisip si Annie ng isang napakamabuluhang ideya - ang gumawa ng isang sex tape. Ang hindi alam ng dalawa, ang pribadong video na dapat ay na-delete na kinaumagahan ay mauuwi sa mga iPad na ipinamigay nila sa kanilang mga kaibigan. Bago pa man ito mapanood ng kanilang mga kakilala ay kinakailangang makuha pabalik ng dalawa ang mga iPad at burahin ang video bago ito kumalat.
Punong-puno ng kamalian ang pelikulang ito sa puntong hindi ko na alam kung saan ko ito sisimulan. Una sa lahat, sinong tao ang namimigay lang ng iPad basta-basta na pati ang tagadala ng sulat ay nabibiyayaan? Pangalawa, sinong tao ang magdadala ng bata sa kumpanyang ang ginagawa ay magpalabas ng mga porn movies higit sa lahat, makikita ka nilang may ginagawang ilegal? Pangatlo, bakit mo sisirain ang system nila kung pwede naman silang pakiusapan upang alisin ang video mo sa site nila?
Sa totoo lang parang ginawa lang ang pelikulang ito upang mai-promote ang iPad at YouPorn. Ni hindi man lang pinag-isipan ang kuwento, maging ang jokes ay mahihirapan kang lunukin. Mapapasalubong ang kilay mo at mapapa-SMH ka na lang habang nanonood nito. Ang mga bida ay ginawang parang siyam na taong gulang kung mag-isip, walang matinong ideya ang lumalabas sa kukote nila at iisipin mong mas maayos pang mag-isip si Patrick Starfish kumpara sa ating bida.
Wala ring chemistry sa pagitan nila Diaz at Segel at kahit gawin mo silang hubad sa harap ng camera, walang spark na magaganap. First thirty minutes ng palabas ay tungkol sa sex life ng dalawang bida, ang oras kung saan pag-iisipin ka kung itutuloy mo pa ba ang panonood dito o hindi na. Unang salang palang ni Cameron Diaz bilang estudyante ay mapapa-iling ka na dahil nagmukha siyang dalawampung beses na na-repeater sa eskwela lalo na't inihilera siya sa mga tunay na mukhang estudyante. Hindi na bagay kay Diaz ang paghuhubad, mas maayos sana kung ginawa niya ito noong kabataan niya ngunit sa tingin ko ay huli na ang lahat para gawin pa niya ito.
Madali akong magbigay ng konsiderasyon sa mga pelikulang hindi ko masyadong nagugustuhan ngunit sa pagkakataong ito ay naubos na ang "konsiderasyon" na iyon at gusto ko lang sabihin kung gaano ka-basura ang palabas na ito. Kung naniniwala ka sa mga opinyon ko sa mga nagawa ko nang reviews, baka gusto mo ulit akong sundin at huwag mo nang sayangin ang oras mo sa pelikulang ito.
No comments:
Post a Comment