Genre: Animation, Adventure, Comedy
Runtime: 92 minutes
Director: John Lasseter
Writer: Andrew Stanton, Rita Hsiao, Doug Chamberlin, Chris Webb,
Pete Docter, Ash Brannon
Production: Walt Disney Pictures, Pixar Animation Studios
Country: USA
Kung sa unang pelikula ay si Buzz Lightyear (Tim Allen) ang iniligtas, dito sa pangalawang pelikula ay si Woody (Tom Hanks) naman ang mangangailangan ng tulong matapos siyang mapunta sa mga kamay ng isang toy collector.
Nang aksidenteng masira ang kaniyang kamay ay inilagay muna ng ina ni Andy si Woody sa isang shelf, dito ay nadiskubre niya si Wheezy na isa ring sirang laruan. Dahil hindi na siya maaaring laruin ay naisipang ibenta ng nanay ni Andy si Wheezy sa isang garage sale. Sinubukang siyang iligtas ni Woody, nailigtas nga niya si Wheezy ngunit si Woody naman ngayon ang nasa peligro nang mapunta siya sa kamay ng toy collector na si Al McWhiggin (Wayne Knight).
Sa apartment ni Al makikilala ni Woody ang mga bagong karakter na sina Jessie (Joan Cusack), Bullseye at Stinky Pete (Kelsey Grammer) mga laruan na base sa isang 1950's na palabas, ang "Woody's Roundup" kung saan din ibinase si Woody. Matagal na nilang hinihintay ang pagdating ni Woody upang sa gayon ay tanggapin na sila sa toy museum sa Tokyo kung saan sila planong ibenta ni Al. Matapos makasama sina Jessie, Bullseye at Stinky Pete ay doon napagtanto ni Woody kung gaano siya kahalaga bilang isang collectible na laruan. Ngayon ay nagdadalawang-isip na siya kung uuwi pa ba siya kay Andy o sasama na siya sa mga bago niyang kaibigan papunta sa isang museum kung saan sila mas mapapangalagaan.
Magandang bagay ang pagdagdag nila ng mga bagong karakter dito dahil kung hindi nila ginawa iyon ay wala na itong pagkakaiba sa naunang palabas. Katulad ng Toy Story, maganda parin ang animations dito, maayos ang pagkakakuwento at may dulot parin itong mga mensahe sa buhay. Mas mahaba na rin ang roles dito ng mga ibang laruan tulad ni Mr. Potato Head (Don Rickles), Slinky Dog (Jim Varney), Rex (Wallace Shawn) at iba pa.
Ang maganda sa kuwento nito ay pareho itong mamahalin ng bawat bata at maging ang matatanda. Touching ang ginawa nilang backstory para kay Jessie at makaka-relate dito ang mag graduate na sa pagkabata dahil nangyari na rin ito sa kanilang buhay, ang araw na kailangan nang bitawan ang mga laruan at hawakan ang mga bagay na nararapat na sa tamang edad.
Ang hindi ko lang nagustuhan ay ang pagiging over the top ng ilang eksena na kahit isa itong pantasya ay may mga pangyayari parin na iba at malayo sa nai-set na standards ng naunang pelikula. Lumayo sa pagiging simple ang climax ng pelikula at ito ang dahilan kung ba't mas nagustuhan ko ang part 1 kaysa dito sa pangalawa.

No comments:
Post a Comment