Search a Movie

Showing posts with label Assunta de Rossi. Show all posts
Showing posts with label Assunta de Rossi. Show all posts

Monday, June 22, 2015

Beauty in a Bottle (2014)

7 out of 10 stars
★★★★★★★☆☆☆

Starring: Angelica Panganiban, Assunta de Rossi, Angeline Quinto
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 100 minutes

Director: Antoinette Jadaone
Writer: Antoinette Jadaone, Chris Martinez
Production: Quantum Films, Skylight Films, Star Cinema
Country: Philippines

Tatlong kuwento ng tatlong babae na iikot sa isang produktong pampaganda - ang Beauty in a Bottle na ang layunin ay ibalik ang dating ganda na nawala. Si Vilma Ledesma (Assunta de Rossi) ay isa sa mga maaasahan pagdating sa advertising ngunit dahil sa kaniyang edad ay nanganganib ang bagong proyekto nito, ang Beauty in a Bottle, na mapunta sa mas bata at bagong empleyado ng kanilang agency. 

Sa kabilang banda, si Estelle Suarez (Angelica Panganiban) naman ay isang artista na paboritong siraan ng madla dahil sa pagiging malusog nito. Sinubukan niyang mag-audition para maging endorser ng Beauty in a Bottle ngunit hindi natanggap dahil sa kaniyang katawan.