Search a Movie

Tuesday, April 4, 2017

God's Not Dead (2014)

Poster courtesy of IMP Awards
© Pure Flix Productions
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Shane Harper, Kevin Sorbo
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 53 minutes

Director: Harold Cronk
Writer: Chuck Konzelman, Cary Solomon, Rice Broocks (book)
Production: Pure Flix Productions, Greg Jenkins Productions, Red Entertainment Group, Toy Gun Films
Country: USA


Si Josh Wheaton (Shane Harper) ay ang tipo ng estudyanteng walang takot na ipakita sa iba ang pagmamahal niya sa Diyos. Kaya naman nang mag-enroll ito sa isang philosophy class kung saan ang magiging propesor nitong si Jeffrey Radisson (Kevin Sorbo) ay isang atheist ay hindi siya naging sunud-sunuran sa naging gusto nito, lalo na nang utusan ni Radisson ang kaniyang mga estudyante na ipahayag sa isang papel na ang Diyos ay patay na.

Sa unang araw pa lang ng klase ay nagkaroon na ng komprontasyon sina Wheaton at Radisson. Dahil sa hindi pagsunod ni Wheaton sa utos ni Radisson na gumawa ng kasulatang naglalaman ng "God is dead" ay binigyan ni Radisson ang binata ng tatlong pagkakataong patunayan sa buong klase kung bakit hindi patay ang Diyos. Dahil sa determinasyon ni Wheaton na patunayan sa kaniyang propesor na may Diyos ay halos mawalan na ito ng oras sa kaniyang girlfriend at maging sa kaniyang pag-aaral. Dito na mahahati ang kaniyang oras kung saan kinakailangan nitong pumili sa dalawa kung alin ang mas mahalaga, ang kaniyang pananampalataya o ang mga taong malalapit sa kaniya?

Upang mapanood ng maayos ang pelikula ay kinakailangan mong magkaroon ng bukas na isipan lalo na't ang palabas ay naka-pabor sa mga Kristiyano. Maaaring maganda ito para sa mga taong naniniwala sa Diyos ngunit paniguradong tataas naman ang kilay ng mga hindi dahil ang layunin nito ay ibalik ang nawalang pananampalataya ng mga taong hindi na naniniwala sa Diyos.

Nagustuhan ko ang naging pagsisikap ng karakter ni Harper na ipaglaban ang kaniyang pananampalataya ngunit hindi pumasa sa aking panlasa ang naging takbo ng istorya nito. Dahil sa halip na mag-pokus ang pelikula sa kuwento ng bida ay nagkaroon pa ito ng sari-saring sanga para sa sariling kuwento ng mga supporting characters na hindi rin naman gaanong naalagaan ng mga writers kaya wala tuloy itong masyadong naging kinalaman sa main plot at kahit tanggalin ay makakatayo parin sa sariling paa ang palabas.

Bukod sa makalat na kuwento ay hindi rin kagalingan sa pag-arte ang mga artistang nagsiganapan sa palabas. Hindi mo tuloy maisapuso ang iyong pinapanood at walang 'goosebumps factor' na karaniwang mararamdaman sa isang Christian movie. Mas lalong nawala ang ganda ng palabas nang dumating ito sa katapusan. Tila naging unfair ang writer sa mga grupo ng taong hindi pabor sa kanilang paniniwala. Maganda ang mensaheng nais nitong iparating ngunit sa ginawa nila sa kanilang mga karakter ay hindi tuloy naging tagos sa puso ang mensaheng gusto nilang ipakita at sa huli'y nagmukha itong ipinipilit ipakain sa mga taong hindi naniniwala.


No comments:

Post a Comment