Search a Movie

Friday, March 31, 2017

Her (2013)

Poster courtesy of IMP Awards
© Annapurna Pictures
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Joaquin Phoenix, Scarlett Johansson, Amy Adams
Genre: Drama, Romance, Sci-Fi
Runtime: 2 hours, 6 minutes

Director: Spike Jonze
Writer: Spike Jonze
Production: Annapurna Pictures
Country: USA


Naninirahan si Theodore Twombly (Joaquin Phoenix) sa panahon kung saan ang teknolohiya ay kasing-talino na ng mga tao ngunit kahit gaano pa kalaki ang pakinabang ng mga teknolohiyang ito sa sangkatauhan ay hindi parin ito sapat upang mapunan ang kalungkutang nararamdaman ni Theodore na mag-isang namumuhay bilang isang manunulat ng mga liham para sa iba't-ibang tao.

Ngunit nang maimbento ang isang operating system na may artificial intelligence ay nagkaroon ulit ng kulay ang tahimik na buhay ni Theodore lalo na nang makilala nito ang OS na si Samantha (Scarlett Johansson). Nagkamabutihang loob ang dalawa at nagkaroon ng masayang pagsasama ngunit hanggang kailan ba tumatagal ang forever ng isang tao at ng isang teknolohiya?

Promising ang pagiging futuristic ng Her na bagamat science fiction pa lamang ito para sa kasalukuyan ay hindi naman nalalayong mangyari sa hinaharap lalo na't mabilis na ang mga pagbabago sa teknolohiya natin sa ngayon. Maganda ang naging konsepto ng pelikula na nakakapukaw ng interes para sa isang manonood na naghahanap ng kuwentong kakaiba. Ngunit wala gaanong naibahaging kuwento ang palabas dahil na rin sa kung ang realidad ang susundin ay hindi ito maitutulad sa mga palabas na may happy ending. Ito ang nagustuhan ko sa palabas, ang mga pangyayari, ang mga karakter at mga problema ng istorya ay hindi nalalayo sa tunay na buhay. Ngunit ang naging downgrade nito ay nalimitahan ang pagkakataon ng writer na pumasok at gumawa pa ng mas malalaman na kuwento nang hindi nasisira ang pagiging makatotohanan nito.

Magaling ang ipinakitang pag-arte ni Phoenix bilang isang lalaking naghahanap ng iibigin at iibig sa kaniya. Genuine ang naging atake nito sa kaniyang karakter kaya naman nakakawili siyang panoorin subalit kabaliktaran naman nito si Johansson na boses lang ang kinailangang gamitin para sa kaniyang role. Wala sa boses o tono niya ang isang operating system. Hindi siya boses kompyuter kumbaga kaya mahirap tuloy isiping ang kausap ni Theodore ay isang AI. Para tuloy siyang nakikipag-usap lang sa telepono o sa skype kaya nahirapan ang utak kong maniwala sa ilusyong si Samantha ay isa lamang boses mula sa isang computer.

Oo nga't maganda ang premise ng kuwento ngunit naging dragging ito sa kalagitnaan lalo na nang tadtarin ito ni Spike Jonze ng mga happy montage sa pagitan ng dalawang bida. 


No comments:

Post a Comment