Poster courtesy of IMP Awards © 21 Laps Entertainment |
★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Amy Adams, Jeremy Renner, Forest Whitaker
Genre: Drama, Mystery, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 56 minutes
Director: Denis Villeneuve
Writer: Eric Heisserer, Ted Chiang (story)
Production: 21 Laps Entertainment, FilmNation Entertainment, Lava Bear Films, Xenolinguistics
Country: USA
Labindalawang misteryosong extraterrestrial spacecraft ang biglang lumutang sa iba't-ibang panig ng mundo. Dahil hindi malaman ang dahilan sa likod ng kaganapang ito ay sinikap ni US Army Colonel G.T. Weber (Forest Whitaker) ang tulong ng linguistics professor na si Louise Banks (Amy Adams) at ng theoretical physicist na si Ian Donnelly (Jeremy Renner) upang makipag-usap sa mga dayong nilalang upang malaman kung ang mga ito ba'y kaibigan o kaaway.
Upang magkaintindihan ay isa-isang itinuro ni Banks sa mga naturang alien ang lenggwahe ng mga tao samantalang sinubukan naman nitong bigyang kahulugan ang mga kakaibang simbolo na nagmumula sa mga taga-ibang planeta. Nang makuha na nito kung ano ang dahilan ng pagbisita ng mga banyaga sa mundo ay kinakailangan na ngayon ni Banks na makipag-ugnayan sa iba pang nasyon na dinalaw ng mga naturang spacecraft. Ang problema ay naglunsad na ang bansang China sa pag-atake sa mga naturang spaceship.
Upang magkaintindihan ay isa-isang itinuro ni Banks sa mga naturang alien ang lenggwahe ng mga tao samantalang sinubukan naman nitong bigyang kahulugan ang mga kakaibang simbolo na nagmumula sa mga taga-ibang planeta. Nang makuha na nito kung ano ang dahilan ng pagbisita ng mga banyaga sa mundo ay kinakailangan na ngayon ni Banks na makipag-ugnayan sa iba pang nasyon na dinalaw ng mga naturang spacecraft. Ang problema ay naglunsad na ang bansang China sa pag-atake sa mga naturang spaceship.
Fight Club (1999), Shutter Island (2010), Memento (2000), kung pamilyar ka sa mga pelikulang ito ay mayroon silang common denominator. Ang bawat isa sa kanila ay may kaniya-kaniyang mind blowing twists na hinding-hindi malilimutan sa mundo ng pelikula. Katulad sa tatlong nasabing pelikula ay ganito rin ang Arrival. Magugulat at magigimbal ka sa inihandang twist para rito na sa huli ay mapapanganga ka na lang matapos mong mapagtanto kung paano kang napaikot ng mga tao sa likod ng naturang palabas.
Maliban sa mga alien, ang kuwento ng pelikula ay may halong konsepto ng oras at kung hindi mo ibibigay ang iyong buong atensyon sa palabas ay malaki ang tyansang malilito ka sa takbo nito. Magaling ang naging pag-trato ni Denis Villeneuve sa past at future ng istorya. Hindi nakakalito at walang nakakaduda sa timeline nito kaya naman nang ipaalam na ang tunay na pangyayari ay maaari na itong ihilera sa mga pelikulang may unforgettable twists.
Nakakamangha ang ipinamalas na pag-arte ni Adams dito, makikita mo sa kaniya ang determinasyon at curiosity ng kaniyang karakter. Sa kabilang banda, medyo weak naman ang naging karakter ni Renner. Sa katunayan ay ginamit lang siya para sa "big twist" ng naturang pelikula. Ang nagustuhan ko sa palabas ay ang pagkakaroon nito ng ibang atake pagdating sa kuwento ng mga alien.
Isang palabas tungkol sa paghaharap ng mga tao at ng mga alien. Hindi na ito bago sa big screen ngunit ang ipinagkaiba ng Arrival sa mga alien movies ay wala itong aksyon, walang sagupaan sa pagitan ng dalawang uri, walang labanan at patayan. Hindi mo makikita sa palabas ang paggamit ng pisikal ng katawan ng bawat kampo sa paglutas ng problema kundi pawang intelektwal lamang. Kaya kung ang hanap mo ay isang maaksyon na labanan ng mga alien at ng mga tao ay hindi ito ang ninanais mong panoorin.
No comments:
Post a Comment