Search a Movie

Thursday, March 16, 2017

Deepwater Horizon (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© Summit Entertainment
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Mark Wahlberg, Kurt Russell, Gina Rodriguez
Genre: Biography, Drama, Thriller
Runtime: 1 hour, 47 minutes

Director: Peter Berg
Writer: Matthew Michael Carnahan, Matthew Sand, David Barstow (book), David Rohde (book), Stephanie Saul (book)
Production: Summit Entertainment, Participant Media, Di Bonaventura Pictures, Closest to the Hole Productions, Leverage Entertainment, TIK Film
Country: USA


Ang pelikula ay isang klase ng disaster film na base mula sa pagsabog na naganap noong 2010 sa Deepwater Horizon, isang offshore drilling rig, na naging sanhi ng maituturing na pinakamalawak na oil spill sa karagatan ng Estados Unidos.

Noong April 20, 2010 habang papunta sa trabaho ang Chief Electronics Technician na si Mike Williams (Mark Wahlberg) kasama ang kaniyang supervisor na si Jimmy Harrell (Kurt Russell) at Andrea Fleytas (Gina Rodriguez) na isang navigator ay napansin ng mga ito ang maagang pag-alis ng ilang trabahador na nakatoka sa pagpapatibay sa pundasyon ng balon ng drilling rig nang hindi nagsasagawa ng pressure test. Sa kapabayaan ng mga namumuno sa naturang drilling rig ay dito magsisimula ang isang matinding delubyo na kumitil ng ilang inosenteng naghahanap-buhay.

Kung visual effects ang pag-uusapan, hindi ka madidismaya sa palabas. Hindi man magandang pakinggan ngunit napakaganda ng mga pagsabog na ipinakita sa pelikula, nakakamangha ang unti-unting pagkawasak ng Deepwater Horizon. Dahil sa magandang effects nito ay mas ramdam mo ang mga nagaganap sa palabas. Isama mo na rin ang magandang pag-arte ng buong cast. Damang-dama mo ang mga kaganapan, ang bawat minuto ng naturang sakuna.

Subalit sa parteng ito lang umangat ang pelikula. Pagdating sa characterization ay maraming pagkukulang ang palabas kaya naman wala masyadong emotional investment ang mga manonood sa mga bida. Pagkatapos ng mga pangyayari ay tila wala ka nang paki-alam sa kung ano ang nararamdaman ng mga karakter. Medyo naging boring din ang takbo ng istorya dahil sa pagiging technical nito na hindi mo naman maiiwasan lalo na't ang palabas ay nakabase sa mga tunay na pangyayari.

Kung ano ang nararamdaman mo sa simula ng palabas ay siya ring mararamdaman mo sa katapusan nito. Mag-iiba lang ito sa climax ng pelikula kung saan ito na ang pinakamagandag parte ng buong palabas ngunit hanggang doon lang ang iginanda nito maliban na lang sa mensahe ng pelikula na siyang magsisilbing aral sa bawat manonood. 


No comments:

Post a Comment